• hotline number
    • Wellness Recipes: Halloween episode Posted October 12, 2016

      Off

      http://healinggaling.ph/ph/wp-content/uploads/2015/12/4.png
      Wellness Recipes: Halloween episode
      Posted October 12, 2016 by admin
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      WELLNESS RECIPES ni Chef Tristan Encarnacion

      Sa recipe na ito ang healing sangkap natin ay ang KALABASA na mayaman sa Vitamin A na pampalinaw ng mata para makakita tayo kahit madilim! At sikat ang kalabasa o pumpkin tuwing Halloween dahil ginagawa itong jack-o-lantern sa ibang bansa.

      RECIPE: KK CAKE

      Ingredients:

      • 2cups Crushed / Powdered Graham crackers
      • ¼ cup Brown sugar
      • ½ cup Butter, unsalted, melted
      • 140g Cream Cheese, softened
      • 1cup Kalabasa, boiled and mashed fine
      • Whipped cream as needed
      • White sugar as needed
      • Seaweed salt as needed

      Pagsamahin ang durog na graham crackers, brown sugar, melted butter at kaunting seaweed salt sa isang bowl. Haluing mabuti. Ilagay ang graham mixture sa ilalim ng individual bowl or sa anumang ninanais na gamiting paglalagyan ng pagkain at Itabi. Sa isang bowl, pagsamahin at haluing mabuti ang creame cheese, mashed kalabasa, white sugar at seaweed salt. Paunti unti na ilagay na patiklop ang whipped cream. Pag naihalo na lahat, ilagay ang nagawang kalabasa cream mixture sa ibabaw ng graham mixture, pantayin at ayusing mabuti ang ginagawang pagkain. Palamigin para mag set ng ilang oras at ihain ng malamig.