• hotline number
    • Wellness Recipes: Tubig at Bukol sa baga Posted May 29, 2017

      Off

      http://healinggaling.ph/ph/wp-content/uploads/sites/5/2017/05/04-Cool-Ka-Lung.png
      Wellness Recipes: Tubig at Bukol sa baga
      Posted May 29, 2017 by admin
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      WELLNESS RECIPES ni Chef Tristan Encarnacion

      Ngayong umaga sa Healing Sangkap, isang pampalamig para sa bagang nagbabaga ang ating ihahanda. Ang tawag natin dito ay COOL KA LUNG!

      Syempre, meron tayong star ingredient na prutas na madadagta gaya ng durian na sikat na sikat mula sa Davao at ang napakasarap na chico.

      RECIPE: COOL KA LUNG

      Chef Tristan: Ang chico ay tinatawag ding sapodilla. Mayaman ito sa potassium, dietary diber at anti-oxidants. Ito ang isa sa mga prutas na kinakain din ang balat. Masarap itong kainin ng fresh o kaya naman ay hinahalo sa mga salad, shake, cereals, ice cream, cake, pie o pwede ring gawing jam! Available ito buong taon at mabibili sa murang halaga lalo na kung harvest season.

      Gawin na natin ang Cool Ka Lung!

      Ingredients:

      • 1cup Durian
      • 1/4cup Malunggay, leaves
      • Seaweed Salt as needed
      • Water as needed

      Pakuluan ang durian, malunggay sa tubig na may seaweed salt hanggang sa lumambot at humawa ang lasa sa tubig. Itabi.

      Dipping sauce:

      • 2pcs Chico
      • Honey as needed
      • Crushed ice as needed

      Pagsamahin ang mga rekado sa food blender kasama ang katas ng durian at malunggay. Ihain ng malamig.