• hotline number
    • EPISODE 9: CHRISTMAS SPECIAL Posted February 20, 2016

      Off

      EPISODE 9: CHRISTMAS SPECIAL
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      Pangunahing tampok sa mga pagtitipon tuwing dumarating ang mahabang selebrasyon ng kapsakuhan sa bansa ang iba’t ibang putahe ng pagkain.

      Ang kawalan ng dispilina sa pagkain ang itinuturing dahilan kung kaya’t marami ang sumusumpong na karamdaman kasabay at matapos ang mga pagdiriwang sa panahong ito.

      Kabilang dito ang altapresyon o highblood pressure, kung saan lumilikha ng paglapot ng dugo ang kumbinasyon ng mga maalat at makolesterol na pagkain. maari makaramdam ang pasyente ng pagkahilo, pananakit ng ulo o batok at pakiramdam ng tila pamamanhid ng tenga.

      Makakatulong kung lalagyan ng ice pack ang pasyente sa ulo habang ito ay kumportableng naka upo at painumin ng 2-3 omega softgel capsule sabay ng mainit-init na tubig. hanggat maari ay h’wag pahigain ang pasyente habang may discomfort na nararamdaman dulot ng high blood pressure.

      Kung mapapabayaan ang pagtaas ng presyon ng pasyente ay maari itong humantong sa heart sa heart attack o pagtigil ng pagtibok ng puso o di kaya naman ay stroke o pagbara at pagputok ng ugat sa utak na kapwa nakakamatay.

      Samantalang ang mga taong may diabetes ay maaring makaranas ng hyperglycemia o ang pagtaas ng asukal sa dugo dulot ng sobrang pagkain na mayaman sa tamis. malaking tulong sa ganitong kundisyon ang paginom ng maraming tubig.

      Ipinapayo ni DR.E na maging maintenance ng pasyente ang tsaa mula sa 5 malalaking dahon ng halamang serpentina tuwng matatapos kumain o kaya ay ang katumbas nito na 2 tabletas ng serpentina, 3x a day after meals.