• hotline number
    • EPISODE 7: PROSTATE CONDITION Posted February 20, 2016

      Off

      EPISODE 7: PROSTATE CONDITION
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      Ang mga lalaki ay nagtataglay ng prostate gland na inihahalintulad sa walnut ang laki, na matatagpuan sa pagitan ng urinary bladder at penis o maselang bahagi ng katwan ng lalaki.

      Marami ang nakakaranas ng prostate enlargement na nagiging sanhi ng pagbara ng daloy ng pag-ihi sa urethra. at habang kumikipot ang urethra ay napupuwersa naman ang pantog na mag-contract upang sapilitang maisagawa ang pag-ihi.

      Kapag hindi pa rin naisaayos ang kondisyong ito ay nauuwi sa kalagayan na hindi na rin nakakayanang lumaban ng pantog sa patuloy na pagkipot ng urethra kaya’t tuluyan ng hindi nakakalabas ang ihi sa katawan ng pasyente.

      Isa sa mga prostate conditions ay ang prostatitis o ang pamamaga ng prostata na sinasabing dulot ng impeksyon at ginagamot sa pamamagitan ng antibiotics.

      Kabilang din sa nagiging kondisyon ng prostate ang tinatawag na benign prostatic hypertrophy o bph, na nagdudulot ng paglaki ng prostata dahil sa pagkakaroon ng bukol na nagiging sanhi rin ng pakiramdam ng hirap sa pag-ihi.

      Tinutukoy sa mga pag-aaral na ang mga lalaking nagkakaroon ng ganitong health condition ay karaniwan nang nasa edad na mahigit sa limampung taong gulang.

      Operasyon ang ipinapayong lunas ng mga dalubhasa sa ganitong karamdaman, lalo na’t kung hindi makuha sa pag inom ng gamot at ang pinaka pangkaraniwang klase ng cancer sa kalalakihan ay ang prostate cancer, bukod sa skin cancer. gayunman ay sinasabing isa lamang sa bawat 35 lalaki ang namamatay dahil dito.

      Bahagi ng gamutan sa prostate cancer ang radiation, hormone therapy , chemotherapy at ang tinatawag na prostatectomy o surgery o ang tuluyang pagtanggal sa prostate sa pamamagitan ng operasyon.

      Sa mga kondisyong nabanggit ay nakakaranas ang pasyente ng sumusunod na mga sintomas:

      1. Nagsisimula sa paghina ng daloy ng ihi.

      2. Pakiramdam na tila hindi kumpletong natatapoas ang pag-ihi pero tumitigil na ang pagdaloy nito.

      3. Dahil dito ay nagiging madalas ang paulit-ulit na paunti-unting pag-ihi.

      4. Nagiging abala rin sa pasyente ang paulit-ulit na mahinang pag-ihi sa kalagitnaan ng pagtulog sa gabi.

      5. Habang tumatagal ang kondisyong ito, ay nakakaranas na ang pasyente ng biglaang pagtigil ng daloy ng ihi ng hindi sinasadya.

      6. Hanggang sa kailangan pang diinan ang puson ng pasyente para lamang lumabas ang ihi na halos patak-patak na lamang ang pagdaloy kahit pa ang pakiramdam ng pasyente ay puno ng ihi ang pantog.

      Samantala, kapag patuloy na hindi nauubos ang laman ng pantog ng pasyente dahil sa prostate condition ay maari itong magresulta sa iba pang problemang pangkalusugan tulad ng.

      Urinary tract infection o uti

      Pagkakaroon ng bato sa pantog o bladder stones

      Pagkakaroon ng dugo sa ihi

      Incontinence o hindi mapigil na pagdaloy ng ihi

      Acute urinary retention o ang kawalan ng kakayanang makaihi, na itinuturing na isang medical emergency at maaaring mauwi sa kidney damage

      Sa healing galing gamutan, itinuturo ni DR.E ang natural na operasyon para sa mga nabanggit na prostate conditions sa pamamaitan ng hot sitz bath preocedure.

      Kailangan lamang ihanda ang malinis na banyera at pinakulong tubig na gagamitin.

      Maari din isagawa ang hot sitz bath tub kung meron nito

      Paghaluin ang tap water o tubig na galing sa gripo at ang pinakulong tubig sa banyerang gagamitin ng pasyente.

      Lulubog ang pasyente hanggang sa may pusod sa pinakamainit na mixture na kaya niya sa loob ng dalawangpung minuto.

      Kinakailangang may extrang mainit ng tubig na abot-kamay ng pasyente para mapalitan ang lumalamig na tubig sa banyera sa panahon ng 20 minutong hot sitz bath.

      Kaugnay nito, ipinapayo rin ni DR.E ang paglalagay ng bulsa de yelo o ice pack sa ulo ng pasyente habang isinasagawa ang hot sitz bath procedure para sa mga pasyenteng may history ng high blood pressure.

      Ito ay upang maiwasan ang makaramdam ng pagkahilo ang pasyente habang isinasagawa ang procedure.

      At kung hindi naman nakakaranas ng alta presyon ang pasyente ay hindi na kailangan ang paglalagay ng ice pack sa ulo habang isinasagawa ang procedure.

      Matapos ang 20 minuto ay maari na’ng umahon ang pasyente at habang nakahiga, matapos na patuyuin ang katawan ay isasagawa naman ang gentle massage gamit ang healing galing oil mula sa ilalim ng scrotum at sa kabuuan nito sa loob rin ng 20 minuto.

      Matapos nito ay sa sex chakra naman gagawin ang gentle massage ng healing galing oil mula sa puson papuntang pusod sa loob pa rin ng 20 minuto.

      Maaring gawin ito ng pasyente ng 3x a day, hanggang sa bumalik ang normal na kondisyon ng prostate.

      Ipinapayo ni DR.E sa kanyang holistic approach ng paggagamutan na sabayan ng hydrating diet ang pagsasaayos sa kalagayan ng pasyente para sa kompleto nitong paggaling.

      Binibigyang diin rin ni DR.E ang paggamit ng halamang serpenetina bilang mabisang herbal na antibiotic ng pasyente, at ang herbal vits. b1,b6,b12 para sa pagsasaayos ng sirkulasyon ng prostate. tumutulong ang b vits. sa pag repair sa mga ugat upang maihatid ang kinakailangang oxygen sa prostate.

      Sa layuning maiwasan ang anumang prostate condition, ipinapayo ni DR.E sa kalalakihan ang pagsusuot ng cotton under wear at ang pag-iwas sa paggamit ng masisikip na pantalon.

      Gayundin ang pag-iwas sa madalas na pagsakay sa bisikleta o motorsiklo at sa mga sasakyang nasa ilalim ng upuan ang makina.

      Ang mga sasakyang ito, ayon kay DR.E ay maaring magdulot ng trauma sa maselang bahagi ng katawan ng lalaki na direktang konektado sa prostate gland.

      Tinukoy ni DR.E ang tulong na maibibigay ng mga sariwang buhok ng mais para sa maginhawang pag-ihi ng pasyente.

      Ipunin lamang ang mga buhok mula sa lima hanggang anim na pirasong sariwang mais at pakuluan ito sa 2 basong tubig.

      Ipainom sa pasyente habang mainit-init ang pinakulong buhok ng mais ng 3 to 4x a day.

      Ipinapaalala ni DR.E na mas epektibo ang pag-inom ng mainit-init na herbal tea para sa lahat ng kondisyong pangkalusugan tulad ng prostate condition.

      Samantala, maari ding gamitin ang pinatuyong buhok ng mais na nagtataglay pa rin ng diuretic properties para sa maginhawang pag—ihi ng pasyente.

      Itinuturo din ni DR.E ang paggawa ng tsaa mula sa isang dakot na dinikdik na sariwang buto ng kalabasa.

      Ilagay lamang ito sa baso o mug at buhusan ng kumulong mainit na tubig. ipainom ng mainit-init sa pasyente at maaring gawin ng 2 hanggang 3 beses sa isang araw.

      Makakatulong din ayon kay DR.E ang mga isda na mayaman sa omega 3 para sa mga may prostate conditions lalo na kung ihahanda ang mga ito ng masabaw, kabilang dito ang tuna, salmon at mackarel, o di kaya ang pag-inom ng omega 3 capsule 3 to 4 times a day.