-
About Us
MGA IMBENSYONNoong Marso 2002, itinatag ni Dr. Calvario ang Career Development Institute for Asia and the Pacific, Inc. (CDI), kung saan maaaring kumuha ng mga kursong Nursing Assistance at Alternative Medicine. Siya ang kasalukuyang President at Director ng paaralan. Noon ding 2002 niya naimbento ang ngayo’y tanyag ng EC27 Guava Plus Soap, isang kakaibang imbensyon na gumagamot sa 27 na kondisyon sa balat, at ito’y nabigyan ng patente ng Philippine Intellectual Property Office noong 2006 sa ilalim ng Patent No. 2-2003-000229. Itinayo rin niya ang EC Botanicare Trading upang maging marketing arm nito.MEDIASi Dr. Calvario ang host ng HEALING GALING sa TV5 (ABC 5) sa kanilang free-to-air TV mula Lunes hanggang Biyernes, at ng HEALING GALING sa Aksyon TV at 92.3 News FM tuwing Sabado (6am-8 am) at Linggo (10am-12 nn).Naging tagataguyod siya ng Natural Healing noong 1994 at naging anchor siya ng isang programang pangkalusugan na sumusuporta sa Natural Healing (Chinese Health Principle of “YIN-YANG, HONG”) hanggang 2008 sa Radyo DWXI.Naging co-host siya ng programang “Sulyap Buhay Pinoy” tuwing Linggo sa Radyo ng Bayan. Dito napag-uusapan ang iba’t ibang problema sa kalusugan at ang mga alternatibong lunas o gamot para sa mga ito.Siya ay isang regular consultant sa programang “Salamat Dok” ng ABS-CBN TV magmula noong 2006 hanggang sa kasalukuyan.Siya ang Public Relations Officer ng B3K Foundation (Balik Kalikasan, Balik Kalusugan para sa Kaunlaran), isang bagong NGO na naglalayong itaguyod ang Natural Healing at ang Alternatibong Medisina.
Siya rin ang naging producer at host ng mga programang pantelebisyon na “Back-to-Back” noong 1996 sa RPN 9, “Usapang Kongreso” sa PTV 4 noong 1990 – 1994, at “Uzisera-Intrigera” ng IBC 13 na naisahimpapawid noong 1995.
Noong binuhay muli ang ABS-CBN noong 1987, namasukan si Dr. Calvario sa himpilan ng radyo nito (DZMM) bilang field reporter sa Malacañang at sa Kongreso. Naging anchor siya magmula 1988 hanggang 1994 at siya ang kauna-unahang babae na nakatanggap ng ABS-CBN Outstanding Employee of the Year Award noong 1988.Noong 1980, siya ay naging standby announcer at field reporter sa RPN 9 radio DWWW at nanatili siya roon hanggang 1985. Lumipat siya sa himpilang DZRJ-AM noong 1986 bilang komentarista at nagbigay ng kanyang mga pananaw at opinyon sa mga isyung politikal at panlipunan noong mga panahong iyon.Mga Naturopathic Practitioners ng HEALING GALINGMga piling counselor at mga propesyonal na nagsanay sa naturopathic healing ang mga tumutulong magpayo sa HEALING GALING. Ugaliing sumubaybay at makinig sa HEALING GALING sa Aksyon sa Radyo (92.3 NewsFM, Phils) o manood sa Aksyon TV 41, upang kayo ay mapayuhan linggo-linggo sa tama at praktikal na paggamit sistemang HEALING GALING. Maaari niyo rin itong makita online sa www.healinggaling.ph
Para sa listahan ng mga HEALING GALING naturopathic practitioners, i-click lamang ito.