• hotline number
    • EPISODE 8: ANEMIA Posted February 20, 2016

      Off

      EPISODE 8: ANEMIA
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      Ang anemia ay ang kakulangan ng pulang selula o hemoglobin sa dugo na nagtataglay ng iron at naghahatid ng oxygen sa mga cells sa katawan.

      Kabilang sa mga sintomas ng anemia ang pakiramdam ng kapaguran, kahinaan, kinakapos ng paghinga, o mahinang kakayahan na mag-ehersisyo at pagiging maputla.

      Kapag biglang naramdaman, maaring kabilang ang sintomas ng pagkalito, pagkawala ng malay o pakiramdam na nawawalan ng ulirat at kagustuhang uminom.

      Isa sa pangunahing sanhi nito ay ang kakulangan sa iron, isang uri ng mineral na nakukuha sa pagkain.

      Kapag napabayaan ang anemia, maaring lumala ang komplikasyon sa dugo at kailangang sumailalim sa blood transfusion ang isang pasyente.

      Ang iron deficiency ay malulunasan sa tulong ng wastong pagkain at tamang oras ng pagtulog.