Ang kakayanan na makakita dulot ng malinaw na paningin bunga ng malusog na mga mata ay mahalagang bahagi ng kalusugan.
Nakasalalay sa ating mga mata, katulong ang utak upang maunawaan natin ang mga bagay na nakikita sa paligid.
Subalit may mga pangyayayari at mga karamdamang nakaka-apekto sa mga mata.
Kabilang na dito ang pagkapuwing ng mata dulot ng alikabok o ng mga foreign objects na maaring aksidenteng pumasok sa mata at makipinsala sa cornea ng mata.
Malaking tulong sa proteksyon ng mga mata ang eyelids o ang mga talukap ng mga mata gayundin ang taglay nitong maliliit na buhok na tinatawag nating “eye lashes”
Gayunman ay maaring makaranas ng “eyelid inflammation” o ang tinatawag na “blepharitis”.
Ito ay nangyayari kapag ang oil glands na taglay ng hair follicles ng eyelids ay nagbara o na-irritate.
Ang cornea ang manipis na transparent dome na nasa ibabaw ng “iris” ng mata o ang may kulay na bahagi ng mata sa gitna na katabi ng “pupil” o ang kulay itim na nasa sentro ng mata.
Ang lahat ng liwanag na nasasagap ng mata ay unang pumapasok cornea para makakita ang mata.
At napag alaman na maging ang matagal na paggamit ng contact lenses ay maaring makagasgas at maka-irritate sa cornea ng maaring mauwi sa corneal ulcer, o ang pagkasugat nito.
May kondisyon din ng mata na tinatwag na “entropion” kung saan ang eyelid ay gumagalaw papasok sa mata at nakaka-irritate ang mga pilikmata na nagdudulot ng pamumula at gumagasgas sa cornea ng mata.
Maari ring makaranas ang mata ng muscular contraction o ang paulit-ulit na involuntary spasm.
Subalit may kondisyon din na tinatawag na “entropion” kung saan ang eyelid ay gumagalaw papasok sa mata at nakaka-irritate ang mga pilikmata na nagdudulot ng pamumula at gumagasgas sa cornea ng mata.
Maari ring makaranas ang mata ng muscular contraction o ang paulit ulit na involuntary spasm.
Subalit may kondisyon din na tinatawag na”opthalmoplegia” o ang paghina ng eye muscles na humahantong sa tuluyang pagka paralisa nito. dito ay naapektuhan ang mga bahagi ng anim na msucles na nagkokontrol sa pagkilos ng mga mata.
Presbyopia naman ang tawag sa kondisyon ng mata kung saan unti-unting nawawala ang kakayanan niting kaagad na i-focus ang paningin sa malapit na object o bagay na gustong tingnan.
Samantala, ang pagkaduling ay tinatawag na “strabismus” na sinasabing nakaka-apekto sa tinatayng 4% ng mga batang may edad na 6 na ton, pababa, na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa alam ang dahilan.
Ang pagkaduling naman na nararanasan ng adults ay sinasabing maaring dulot ng brain tumor, pagkasira ng retina ng mata, dulot ng diabetes o stroke.
Karaniwan na itong inooperahan o di kaya naman ay ikono-korek sa pamamagitan ng pagsusuot ng salamin.
May mga tao rin na nakakaranas ng pagluwa ng mata na indikasyon ng iba pang kondisyong pangkalusugan, tulad ng toxic goiter.
May mga pagkakataon na nakakaramdam ng pangangati sa mga mata at minsan ay tila mahapdi at mainit ang singaw sa mata.
Maaring ang ganitong kondisyon ay sintomas ng implekasyon lalo na at may kasabay na pamumula at discharge sa mata.
Isa pa rin sa karaniwang tumutubo sa mata ay “eyelid bumps” o ang tinatawag na kuliti na maaring makaapekto sa paningin ng pasyente.
Madalas rin na nararanasan ang pagsumpong ng sakit sa mata na kung tawagin ay “pink eye” o conjunctivitis na lalong kilala natin bilang sore eyes.
Minsay ay tinatawag itong bloodshot eyes at mula sa simpleng sore eyes ay maariing mauwi sa mas seryosong kundisyon ng impeksyon.
May tinatawag rin na allergic conjunctivitis kung saan ang nagdudulot ng pamumula at pamamaga ng mata ay allergic reaction sa ilang kemikal o dumi sa hangin.
Problema pa rin sa malinaw na paningin ang pagiging farsighted o nearsighted.
Ang farsightedness o hyperopia ay nagdudulot ng mas malinaw na pangingin sa malayuan at mas malabo naman sa malapitan.
At ang nearsightedness o myopia ay nagbibigay ng malinaw na paningina sa nakikita ng malapitan at malabo na ang nakikita sa malayuan.
Kabilang pa ang astigmatism sa problema sa mata na nagdudulot ng distorted vision dulot ng pagbabago sa hugis ng cornea.
Para sa pagpapanatili ng malusog na mga mata, ipinapapayo ni DR.E ang pagtulog ng tamang oras na makakatulong para maipahinga ang mga mata at ang isipan.
Binibigyang diin ni DR.E ang kaugnayan ng brain o utak at ng mga mata para sa wastong pangangalaga sa paningin sa tuliong ng 7 hanggang 8 oras na pagtulog sa gabi at kung nararamdaman na ang pagisismula ng paghina ng paningin ay makakatulong ang cat nap o ang maikling oras ng tulog sa hapon o kung anu mang oras ito kinakailangan.
Tinutukoy rin ni DR.E ang ilang mga halamang gamot na maaring makatulong sa iba’t ibang problema sa mata.
Kabilang dito ang bunga ng neem na maaring ilaga at ang pinalamig na katas nito ay maaring ipatak sa mata.
Ang malinis na katas ng bunga ng halamang aligbangon ay maaring ipatak sa mga matang may sore eyes at sa kaso ng opthalmia o pamamaga ng mata.
Makakatulong din sa kaso ng opthalmia ang mga bulaklak ng tsampaka matapos na ito ay linisin ay dikdikin at ibabad sa langis ng niyog. banayad itong ihahaplos habang nakapikit ang mga mata ng pasyente.
Maari ding ipatak sa ganitong kondisyon ang malinis na katas ng prutas ng kamias, bagama’t medyo may hapding nararamdan sa paggamit nito.
May mga pag-aaral din sa naturopathy na tumutukoy sa dagta ng dahon ng kamoteng kahoy para sa kaso ng conjunctivitis.
Binanggit ni DR.E na sa bansang sri lanka ay ginagamit na pampatak sa nagluluhang mata ang pinakuluang bulaklak ng halamang lagundi.
Tunutukoy rin DR.E ang bansang africa kung saan ginagamit ang sariwang katas ng halamang katakataka bilang pampatak sa mga namamagang mata dulot ng astringent at antiseptic properties na taglay nito.
At sa southeast asia ay pinakukuluan ang balat ng puno ng molave at ipinapatak sa mga nanlalabong mata.
Off