• hotline number
    • EPISODE 2: CHEMICAL POISONING Posted February 20, 2016

      Off

      EPISODE 2: CHEMICAL POISONING
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      Toxicants ang tawag sa mga kemikal na nakalalason at delikado sa kalusugan.

      Maari itong galing sa solids, liquids o gas na makapipinsala sa Kalusugan ng sinumang makakalanghap ng mga ito o kung maihalo man ang kemikal sa pagkain at inumin.

      Kabilang sa mga toxicants ang pesticides, chlorine, ammonia, pepper spray, acetone at ilang mga ginagamit sa paglilinis na nagtataglay ng lason tulad ng sodium hydroxide at potassium hydroxide.

      Ang mga kemikal na ito ay maaring makaapekto sa cells at internal organs ng biktima.

      At ang pagkalason ay maaring magdulot ng pagkakasakit o tuluyang kamatayan.

      Napag alaman sa ilang pag-aaral na maraming tao sa mga industrial countries, kabilang ang united states ang nagtataglay ng lead sa kanilang dugo na maaring magdulot ng karamdaman sa cells ng katawan.

      Tinukoy din sa pag-aaral na ang immunological disorder tulad ng multiple sclerosis ay iniuugnay sa heavy metal toxicity.

      Ang sintomas at komplikasyon na nararanasan bunga ng pagkalason ay depende sa uri ng kemikal na nagdudulot ng pagkalason at ang itinagal ng exposure dito, pati na ang edad ng pasyente at ang kanyang medical history.

      Karaniwang sintomas na nakikitang nararanasan ng pasyente ang pagkahilo, pagsusuka, pagkalito, hirap sa paghinga, abnormal na kulay ng balat, seizure at may nararanasang pananakit sa katawan.

      Mapapansin din sa mga biktima ng chemical poisoning ang kakaibang amoy ng hininga, katawan o damit nito at ang maaring pagkakaroon ng mantsa sa katawan o sa suot na damit.

      Partikular ang mga kemikal na chlorine at phosgene na nakaka-apekto sa respiratory sytem kung saan ang exposure sa mga ito ay nagdudulot ng hirap sa paghinga at seryosong komplikasyon.

      Samantala, may mga kemikal na walang kulay, walang amoy, at walang lasa na napagkakamalang tubig lamang, tulad nang mapagkamalang mineral water ang 500ml. silver cleaner solution na nainom ng 2 babaeng entertainers sa kanilang boarding house sa pasay city noong mayo ng 2014.

      Matatandaan din na noong abril ng 2015 nangyari ang pagkalason ng 3 katao sa sampaloc, maynila dahil sa pag-inom ng ergo cha milk tea na naging dahilan ng pagkamatay ng isang kostumer at ng may ari ng ergo cha milk tea house at naospital naman ang isa pang kostumer na bagama’t nakainom din ng milk tea ay nailuwa rin ito kaagad.

      Napag alaman na oxalic acid ang taglay na lason ng naturang milk tea na karaniwan ng natatagpuan sa mga bleaching solution, metal cleaner at anti-rust products o pantanggal ng kalawang sa bakal.

      At dahilan sa ganitong mga pangyayari kung kaya’t naging malaking hamon sa kasalukuyang pamahalaan ang mahigpit na pagpapatupad ng batas at regulasyon sa pagbebenta ng mapanganib na toxic chemicals.

      Maaring maiwasan ang chemical poisoning sa bawat tahanan kung may wastong label ang mga kemikal na ginagamit sa bahay at inilalagay sa tamang taguan ang mga ito na hindi naaabot lalo na ng mga bata na siyang madalas maging biktima nito.

      Kung maaagapan ang pagkalason, sinabi ni DR.E na mahalagang linisin ang gastrointestinal tract ng pasyente para mailabas kaagad ang lason bago ito maabsorb sa katawan.

      Ttinukoy ni DR.E ang activated charcoal bilang mabisang absorber ng maraming uri ng lason sa katawan ng tao kung ito ay available sa pinangyarihan ng insidente, kailangang kaagad na maipainom sa biktima ang activated charcoal upang hindi na ma-absorb sa bloodstream ang lason.

      Tunawin lamang sa tubig ang dinurog o pinulbos na activated charcoal bago ipainom sa pasyente.

      Kung nagdudulot naman ng pagkasunog o init ang kemikal na pumapasok sa katawan ng nalason ay makakatulong ang pag-inom ng 6 hanggang 10 puti ng itlog ang pasyente, bilang proteksyon sa ‘‘lining” ng bituka at sa mga bahagi ng internal organs na apektado ng kemikal. Ipinaliwanag din ni DR.E na makakatulong ang pagkain ng maraming brown sugar kung ang pagkalason ay nagdudulot ng lbm o loose bowel movement kasabay ang pag-inom ng herbal serpentina tablet o kung may available na halaman ng serpentina ay gawin itong tsaa at ipainom sa pasyente.

      Samantala ipinaliwanag ni DR.E na kung walang ibang paraang magagawa para sa pasyente bunga ng insidente ng pagkalason ay mas makabubuting dalhin kaagad ito sa pagamutan.

      Sa kabilang dako sa harap ng usapin kaugnay ng climate change at papalapit na mararanasang el niño phenomenon sa buong mundo, sinabi ni DR.E na may idudulot itong chemical poisoning sa katawan ng mga tao.

      Binigyang diin ni DR.E ang maaring maging epekto ng pag-init ng mundo tulad ng pagkakaroon ng heat wave na magdudulot ng chemical change sa loob ng katawan ng tao na posibleng mauwi sa aneurism, stroke o biglaang pagkamatay.

      ANg ganitong pangyayari ayon kay DR.E ay nagaganap na ngayon sa mga bahagi ng estados unidos at sa europa.

      Kaya’y ipinapaalalang muli ni DR.E ang kinakailangang hydrating diet bilang mabisang tulong pangkalusugan.