Ngayong feb. 8, 2016 ipinag-diriwang ang chinese new year, ang simula ng year of the monkey.
Ang 2016 ang ika- 4,714 na taon sa chinese calendar na matatapos sa Feb. 3, 2017.
Umiikot ang cycle ng chinese calendar tuwing 60 taon.
Nangangahulugan na nitong nakalipas na 60 taon ay naranasan na ang kaparehong year of the monkey o noong 1956 gayundin noong 1896 o 120 taon na ang nakalilipas.
At dahil ang mga chinoy sa bansa ay nagpapalaganap din ng kanilang mga paniniwala at mga pamahiin tuwing dadating ang ganitong okasyon ay maraming pinoy ang nakikisabay.
Kabilang sa mga inaabangan ang mga ausipicious directions o ang mga maswerteng posisyon o lugar.
At sa taong ito ay itinuturing na maswerte ang east at west directions at sinasabing swerte ang paglalakbay patungong east, south, at southeast. Ang mga direksiyon naman na dapat iwasan ay ang northeast, south, north at southwest.
tinutukoy rin ng mga feng shui experts ang mga karamdaman na maaring maimpluwensiyahan ng year of the fire monkey tulad ng sakit sa puso at dugo pati na ang problema sa baga.
Sa mga prediksyon ay nangunguna sa mga mabibiyayaan ng year of the monkey ang mga ipinanganak ng year of the rat, snake at dragon.
Samantala, sinasabing maaring makaranas ng conflict ang mga taong may zodiac sign na tiger, monkey, pig, snake at goat.
At para sa mga naghahanap ng swerte sa buhay, may hatid na healing feng shui si doctor e. para sa ating lahat sa umagang ito.
Off