Diabetes:
Ang diabetes ay isang long-term condition na nagdudulot ng pagtaas ng blood sugar levels na maaring maranasan kapwa ng babae at lalaki dahilan sa hindi na nagiging normal na produksyon ng insulin sa katawan ng pasyente.
Sa buong mundo ay tinatayang mahigit 500 milyon katao ang may sakit na diabetes na tinutukoy bilang metabolism disorder.
May mga diabetiko na nakakaranas ng hypoglycemia condition o ang pagkakaroon ng mababang asukal sa dugo at ang iba ay nakakaranas ng sobrang pagbulusok ng asukal sa dugo o hyperglycemia, mga abnormal sugar levels dulot ng paghina ng pancreas o lapay.
Ang type 1 diabetes ay nararanasan ng mga pasyenteng hindi na nagpo-produce ng sapat na insulin sa system kaya’t nangangailangan ng insulin injections.
Hindi naman nakakapag-produce ng sapat na insulin ang mga pasyenteng may type 2 diabetes kaya regular na pinaiinom ang mga ito ng tableta bilang maintenance medication.
Ang insulin ay hormone na nanggagaling sa pancreas o lapay na tumutulong para maihatid sa mga cells ng internal organs ang asukal na nasa dugo.
Sa ganitong paraan ay naiko-convert sa energy ang asukal sa dugo kaya’t bumababa ang mga sugar levels sa katawan ng pasyente.
Matapos kumain ay otomatikong naglalabas ng sapat na insulin ang pancreas para sa mga taong walang diabetes.
Samantala, ang tinatawag na gestational diabetes ay nararanasan ng babaeng nagdadalantao kung sa panahon ng kanyang pagbubuntis ay hindi kontrolado ang gana sa pagkain.
May mga buntis na lubhang tumataas ang sugar levels subalit hindi nakakapag-produce ng kinakailangang insulin kaya’t nagreresulta sa gestational diabetes. Sa ganitong kondisyon ay maaring magkaroon ng komplikasyon ang pagsisilang ng ina. Karaniwan ring nagiging mas malaki sa dapat na timbang ang mga sanggol na ipinapanganak ng mga nagbubuntis na may gestational diabetes.
base sa mga sumusunod na tests ay nalalaman ang kalagayan ng metabolismo ng pasyente: base sa a1c test:
at least 6.5% ——————————- Diabetes
between 5.7% & 5.99% ———————— Prediabetes
less than 5.7 ——————————- Normal
Base sa fasting plasma glucose test:
at least 126 mg/ deciliter(dl) ————– Diabetes
between 100 mg/dl & 125.99 mg/dl ———— Prediabetes
less than 100 mg/dl ————————- Normal
Base sa oral glucose tolerance test:
at least 200 mg/ deciliter —————— Diabetes
between 140mg/ deciliter & 199.9 mg/dl —— Prediabetes
less than 140 mg/dl ————————- normal
Ipinaliwanag ni DR. E ang iba’t-ibang kumplikasyon na maaring maranasan ng pasyenteng may diabetes kung hindi mapipigil ang patuloy na pagtaas ng sugar levels.
Kabilang dito ang epekto ng diabetes sa mata ng pasyente na maaring makaranas ng pagkabulag dulot ng glaucoma, katarata at diabetic retinopathy.
Sinabi ni DR. E na maaring magkaroon ng ischemic heart disease ang isang diabetiko kung ang supply ng dugo sa puso ay hindi maging sapat bunga ng sakit na diabetes.
Nararanasan din umano ng mga pasyenteng may diabetes ang hypertension na maaring magdulot ng pagsumpong ng heart attack at stroke, gayundin ang kumplikasyon sa mata at kidneys dahil sa hindi makontrol na blood pressure.
Tinukoy ni DR. E ang diabetic neuropathy na karaniwan nang nararanasan ng mga diabetiko kung saan nasisira ang maliliit na ugat sa katawan ng pasyente o ang tinatawag na mga ugat na pandama.
Dulot ng diabetic neuropathy ang nararamdamang pananakit sa mga ugat ng binti at paa na nakakaapekto sa pagkilos at paglalakad ng pasyente.
Habang lumulubha ang kondisyong ito ay nawawalan ng pakiramdam ang pasyente.
At dahilan pa rin sa mga nasisirang mga ugat ay maaring mauwi sa tuluyang pagsusugat ng lower extremeties sa katawan ng pasyente na maaring maging gangrene o mabulok at karaniwan na itong pinuputol sa ospital para maisalba ang hindi pa apektadong bahagi ng paa o binti.
Binanggit pa rin ni DR. E ang malaking posibilidad na makaranas ng pagkabingi ang mga pasyenteng diabetiko.
Gayundin ang dulot na impotence o erectile dysfunction sa mga lalaking biktima ng diabetes. Binigyang diin ni DR. E na ang mga kumplikasyong ito ay bunga ng kakulangan ng maayos na sirkulasyon ng dugo na naghahatid ng oxygen sa apektadong bahagi ng katawan dahil sa pagbabara ng asukal sa mga nerves o ugat , sa halip na diretso itong maabsorb ng cells sa katawan ng pasyente.
Dahilan dito ayon kay DR. E kaya’t mabisang natutulungan ng banayad na paghahaplos ng healing galing oil ang lower extremeties ng pasyente na nakakaranas ng pangingitim o kawalan ng sirkulasyon.
Sa ganitong paraan ay nanunumbalik ang sirkulasyon ng dugo sa katawan ng pasyente at hindi lamang nawawala ang dating pangingitim ng balat, kundi naiiwasan din ang pag-develope ng gangrene.
Kasabay ng paghaplos ng healing galing oil ay pina-iinom ni DR. E ng herbal vitamins b1,b6,b12 ang pasyente para sa mas mabilis na panunumbalik ng normal na sirkulasyon sa katawan.
Ipinaliwanag ni DR. E na bukod sa pag-inom ng herbal serpentina tablets bilang maintenance ng pasyente para sa balanseng sugar levels ay epektibong pang suporta sa mga ugat ng diabetiko ang herbal vits. b1,b6,b12.
At dahil holistic ang paraan ng healing galing sa paggagamutan ay pinapayuhan ni DR. E ang mga may
diabetes na umiinom ng isa hanggang dalawang basong tubig bawat oras kasabay ng hydrating diet ng masasabaw na ulam at makakatas na prutas.
Binigyang diin ni DR. E ang kahalagahan ng sapat na hydration para sa katawan ng pasyenteng may diabetes. Ipinapaalala rin ni DR. E na dapat iwasan ang sabay-sabay na pagkain ng mga nagtataglay ng mataas sa asukal upang hindi tumaas ang sugar levels ng pasyente.
Dito ay tinutukoy ni DR. E na hindi dapat sabay-sabay ang pagkonsumo ng sucrose, fructose at glucose sa bawat meal ng pasyente. At para maiwasang maging biktima ng diabetes, ipinapayo ni DR. E na kumain “ on time” at iwasan na malipasan ng gutom.
Gayunman kung sakaling nalipasan na ng gutom, ayon kay DR. E ay iwasang magpakabusog agad at sa halip ay unti-unting pagkain lamang ang gawin every 30-minutes hanggang sa maramdaman ang pagkabusog.
Ang tawag dito ni DR. E ay small frequent feeding, na dapat gawin kapag nalipasan ng gutom.
Ipinaliwanag ni DR. E na naaapektuhan ng madalas na lipas gutom at biglaang pagkabusog ang pancreas na nagiging dahilan ng paghina at nauuwi sa pagkakaroon ng diabetes.
Off