• hotline number
    • EPISODE 2: PIGSA Posted June 28, 2016

      Off

      EPISODE 2: PIGSA
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      Pigsa:

      Ang pigsa o boil ay itinuturing sa modernong medisina bilang isang infection na tinatawag na “ staphylococcus” bagamat sa pananaw ng healing galing ay isa lamang ito sa mga singaw ng init ng katawan.

      Maaring tumubo ang pigsa sa balat ng sino mang tao, sa lahat ng edad lalo na sa panahon ng tag-init.

      Nagsisimula ito sa pagiging tila matigas na bukol na maliit lamang na tumutubo sa hair follicles o oil gland.

      Namumula ito at nararamdaman ng pasyente ang pananakit sa affected area habang ito ay patuloy na lumalaki.

      Makalipas ang 4 hanggang 7 araw, kasabay ng paglaki nito ay lumilikha ng nana ang pigsa.

      Ito ang stage kung saan kumakalat na sa mas malalim na tissues ng balat ang tumubong pigsa at tinatawag na itong “furuncle“.

      At kapag nagtuloy-tuloy ang tila hindi maawat na pagtubo ng mga pigsa sa katawan ng pasyente ay maari itong umabot sa kondisyon na tinatawag na “tb of the skin”.

      Tinatanggal ito sa ospital sa pamamagitan ng operasyon at itinuturing na isang sakit na nakakahawa kaya’t ina-isolate ang pasyente o inilalayo sa ibang tao.