Infertility:
Kkaraniwan nang iniuugnay sa infertility ang pagkabigo ng mag-asawa na magkaroon ng anak sa loob ng isang taong pagsasama. Base sa mga isinagawang pag-aaral, tinatayang 40 porsiyento hanggang 50% ng kaso ng infertility ay dahil sa problema ng babae.
Dalawampung porsiyento naman sa maaring maging dahilan ng hindi pagkakaroon ng anak ay iniuugnay sa problema ng lalaki.
At sinasabing 30% hanggang 40% ng kaso ng hindi pagbubuntis ay may kinalaman sa problemang pangkalusugan kapwa ng babae at lalaki.
Sa kabilang dako ay napag-alaman rin na may 85% ng mga mag-asawa ang nagkakaanak na sa loob ng 12 buwan ng pagsasama.
Samantalang may 70% ang nabubuntis sa loob ng 6 na buwan ng pagsasama at may 20% ang nakakaranas agad ng pagbubuntis sa loob lamang ng isang buwan.
Sa ganitong kondisyon ay kabilang sa isinasaalang-alang ang edad ng asawang babae kung saan sinasabing nagsisimulang bumaba ang kakayanang magbuntis pagdating ng tatlumput dalawang taong gulang hanggang sa kanyan pagtanda.
Ang pagiging mataba o overweight ng babae ay maaring maging dahilan ng hindi pagkabuntis. samantalang sa lalaki ay maari itong magresulta sa abnormal sperm.
Pati na ang pagiging underweight at ang pagkakaroon ng mababang immune system ng magasawa ay posibleng magbunga ng fertility problems.
Sagabal din sa layuning magkaroon ng anak ang pagkakaroon ng bisyo ng magasawa tulad ng paninigarilyo at alcohol abuse lalo na sa mga lalaking may mababang sperm count.
Tinukoy din ang masamang epekto ng chemical exposure tulad ng paglanghap ng pesticides, herbicides, solvents at metal tulad ng lead.
Maging ang malubhang stress ay nakakaapekto rin sa female ovulation at sperm production ayon sa mga espesyalista.
Ang sexually transmitted infection tulad ng chlamydia ay nakaksira sa fallopian tubes ng babae at nagdudulot ng pamamaga ng scrotum ng lalaki kaya’t nagiging hadlang rin sa pagkakaroon ng anak.
Samantala, kasama rin ang pagkakaroon ng bukol sa reproductive organs ng babae sa mga napag-alaman na nagiging sanhi ng hindi pagkakaroon ng anak ng magasawa tulad ng pcos polycystic ovarian syndrome at ang malubhang kondisyon ng mayoma.
Off