Breast Cysts:
Isa sa mga nararanasang kondisyon ng mga ina ang breast cysts o mga bukol sa suso.
Ang breast cyst ay resulta ng naipong fluid sa loob ng breast glands na mistulang mga maliliit na lobo ng tubig na maaring magkasabay na tumubo sa tig-kabilang dibdib ng babae.
Madaling nasasalat ang movable o nagagalaw na bukol na ito lalo na sa panahon ng buwanang dalaw.
Maari ding lumikha ng “nipple discharge” ang kondisyong ito mula sa malinaw na tila tubig, hanggang sa madilaw at maaring maging kulay brown ang lumalabas na discharge.
Lumalaki at maaring dumami ang bukol na ito na karaniwan nang nagdudulot ng pananakit ng dibdib ng pasyente.
Dahilan dito kaya’t karaniwan nang ginagamitan ng pinong karayom upang matanggal ang fluid na laman ng bawat bukol na tumutubo.
Gayunman ay maaring magpaulit-ulit ang pagtubo ng mga bukol kahit na isa-isa itong ina-aspirate gamit ang pinong karayom, kaya’t paulit-ulit ring isinasagawa ang nasabing procedure.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na pinag-aaralan ang taglay na mga “lobes” ng “glandular tissue” ng bawat dibdib ng babae na tila nakahanay na mga talulot o petals ng bulaklak.
Nahahati sa mas maliit na “lobules” ang mga “lobes” na siyang nagpo-“produce” ng gatas sa panahon ng pagdadalantao ng babae at sa kanyang pagpapasuso sa isinilang na sanggol.
Ang “supporting tissue” na nagbibigay ng hugis sa dibdib ng babae ay binubuo ng fatty tissue at connective tissue. Lahat ng mga bahaging ito ng suso ay “focus” ng pag-aaral na ginagawa ng mga eksperto kaugnay ng pagtubo ng breast cysts.
Gayunman, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa matukoy ng mga eksperto ang dahilan kung bakit tumutubo at nagpapabalik –balik ang breast cysts sa mga pasyente nito.
Off