• hotline number
    • EPISODE 8: DENGUE Posted June 28, 2016

      Off

      EPISODE 8: DENGUE
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      Dengue Fever:

      Sa tuwing dumadating ang panahon ng tag-ulan ay nararanasan ang pinsala na dulot ng kagat ng mga lamok na tinatawag na aedes egipti na naninirahan sa mga naimbak na tubig o stagnant water.

      Taglay ng mga lamok na ito ang tinatawag na flavivirus na nagbibigay ng sakit na dengue fever na kilala bilang breakbone fever noong taong 1828.

      Sa simula ay inaakalang simpleng lagnat lamang o trangkaso ang dengue condition dahil sa pagkakahawig ng sintomas nito.

      Maaring makaramdam ang pasyente ng pananakit ng ulo kasama na ang bahagi ng mga mata,pagkakaroon ng rashes sa balat, muscle and joint pains at pagkakaroon ng bahid ng dugo sa pagdumi.

      May malubhang kondisyon ng dengue na maaring maranasan ng pasyente, ang tinatawag na dengue hemorrahagic fever.

      Sa kondisyong ito ay makakaranas ang pasyente ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, hirap sa paghinga at pagdurugo o bleeding.

      Pinapayuhan ang mga pasyenteng may dengue na huwag uminom ng aspirin na maaring magpalubha sa pagdurugo ng pasyente dahil sa blood thinning properties ng nasabing gamot.

      Samantala ipinaliwanag ni dr.e na mahalagang panatilihing malinis ang loob at palibot ng bahay at siguruhing walang stagnant water na maaring pamugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue virus.

      Sinabi ni dr.e na prevention ang pinaka magandang paraan ng pag-iwas sa dengue.

      Tinukoy ni dr.e ang mga pagkaing mainit ang epekto sa katawan na maaring magpalubha sa kondisyon ng pasyenteng may dengue tulad ng mga pinirito o fried at lahat ng mamantikang pagkain, gayundin ang lahat ng maanghang, tsokolate at mga sobrang tamis na pagkain.

      Sa mga uri ng inumin ng pasyente ay ipinapayo ni dr.e ang oras-oras na pag-inom ng maraming tubig kasabay ng masasabaw na pagkain at makakatas na prutas.

      Makabubuting iwasan ng pasyente ang pag-inom ng softdrinks, beer at iba pang alcoholic beverages sa panahon na may dengue ayon pa rin kay dr.e, upang maiwasan ang lalo pang pag-init ng katawan ng pasyente na magpapalubha sa kondisyon nito.

      Binigyang diin ni dr.e na ang uri ng lamok na nagdudulot ng dengue condition ay pawang mga taong mainit ang system ang target na kagatin kung saan naisasalin sa biktima ang flavivirus.

      Dahilan dito ayon kay dr.e kung kaya’t makakatulong ring makaiwas sa dengue kung pananatilihing presko ang katawan sa pamamagitan ng proper hydration at regular na pagligo araw-araw.