• hotline number
    • EPISODE 9: VARICOCELE Posted June 28, 2016

      Off

      EPISODE 9: VARICOCELE
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      Varicocele:

      Ang varicocele ay karamdamang hindi kaagad napapansin ng mga lalaki, dahil sa mabagal na pag- develop nito sa scrotum o sa balat na bumabalot at nagbibigay proteksyon sa testicles.

      Taglay ng scrotum ang mga arteries at veins na naghahatid ng sirkulasyon ng dugo sa reproductive glands ng lalaki.

      At kapag ang mga veins na tinatawag ring pampiniform plexus ay lumikha ng pamamaga, itinuturing itong kondisyon ng varicocele.

      Habang nagpapatuloy ang pamamaga ng naturang mga ugat ay maari itong mag-resulta sa tuluyang pagliit ng testicles na binubuo ng dalawang maliliit na organs na siyang gumagawa ng sperm o similya.

      Maari itong mag- resulta sa pagbaba ng sperm production ng lalaki na nagiging dahilan ng infertility o kawalan ng kakayanang magka-anak.

      May magkaibang anatomy ang dalawang maliliit na organs sa loob ng scrotum. maaring sabay na maapektuhan ang kaliwa at kanang bahagi.

      Subali’t kadalasan ay tumutubo ang varicocele sa kaliwang bahagi lang ng scrotum.