Epilepsy:
Ang epilepsy ay isang disorder ng nervous system na nagiging dahilan ng pagiging unconcious ng pasyente habang sumusumpong ang hindi makontrol na paggalaw ng katawan nito na tinatawag na seizure.
Nagpapaulit-ulit ang epileptic seizures dulot ng biglaang pagbabago ng electrical activity sa utak ng pasyente at ayon sa mga pag-aaral ay nagkakaroon ng overload o pagbugso ng electrical activity sa brain na lumilikha ng panandaliang pagkalito sa pagitan ng mga brain cells.
Ang bawat pagkilos ng mga bahagi ng katawan ay idinidikta ng messanging system ng utak.
At ang nararanasan ng taong may epilepsy sa panahong umaatake ang seizure ay depende sa kung saang bahagi ng kanyang utak ito nagsimula.
May iba’t-ibang pag-atake ang seizure kaya’t hindi pare-pareho ang sumpong nito sa bawat pasyente.
Kabilang sa mga sintomas ng epilepsy ang:
- Pagkakaroon ng kumbolsyon ng wala namang lagnat.
- Saglit na biglang nawawalan ng malay o nakakaranas ng pagkalito ng isip.
- Pasumpong-sumpong na pagkahimatay na sinasabayan ng hindi makontrol na pagdumi o pag-ihi na sinusundan ng matinding pagkapagod na pakiramdam.
- Pansamantalang pagkatulala ng pasyente kung saan hindi ito tumutugon kapag kinakausap o tinatanong.
- Biglaang paninigas ng katawan ng walang dahilan.
- Biglaang pagtumba ng pasyente.
- Pagsumpong ng paulit-ulit na blinking o pagkurap ng mga mata.
- Biglaang sumpong ng pag-nguya ng pasyente nang wala namang kinakain.
- Panandaliang pagkagulat kung saan hindi makausap ang pasyente.
- Paulit-ulit na pagkilos na hindi mapigilan.
- Biglaang pagkatakot ng walang dahilan na nagre-resulta sa pagpa-panic o pagkagalit ng pasyente.
- May mga kakaibang pang-amoy at pandinig gayundin ang pagbabago sa sense of touch.
- At ang pasumpong-sumpong na paggalaw ng mga braso at binti o di kaya ay buong katawan sa maikling panahon.
Samantala, may mga kilalang tao na sa kabila ng katanyagan ay pawang naging biktima ng sakit na epilepsy kabilang dito:
ang mga writer na sina agatha christie at edgar allen-poe, ang monarch na si alexander the great, ang philosopher na si aristotle, ang mga emperor na sina julius caesar at napoleon bonaparte, ang mga artist na sina leonardo da vinci at vincent van gogh, ang artist at iskultor (sculptor) na si michelangelo, ang musician na si neil young, ang mathematician na si pythagoras, ang actor na si richard burton, at ang scientist na si sir isaac newton.
Off