Ang pamamaga at paglaki ng mga ugat o blood vessels sa ibabang- bahagi ng rectum at anus ang tinatawag na almuranas o sa ingles ay hemorrhoid o piles.
Nangyayari ito bunga ng pagkakaroon ng paulit-ulit na pressure sa bahaging ito ng katawan ng pasyente.
Karaniwan nang tinutukoy na dahilan ng pagkakaroon ng almuranas ang madalas na pwersadong pagdumi dulot ng constipation o kaya ay dahil sa malubhang diarrhea na nararanasan ng pasyente.
Bukod dito ay kabilang ang pagsasagawa ng anal intercourse sa maaring pagmulan ng almuranas, gayundin ang pagkakaroon ng colitis o ang pamamaga ng colon, na bahagi ng large intestine na umaabot hanggang sa rectum.
Sa panahon ng pagbubuntis ay maaring makaranas rin ng pagkakaroon ng almuranas ang mga babaeng magsisilang ng sanggol.
Kasama pa rin sa mga maaring maging sanhi ng karamdamang ito ang matagalang pag-upo, ang pagiging obese o sobrang taba at ang pagkakaroon ng rectal cancer.
Kabilang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng almuranas ay ang nararanasang bleeding sa panahon ng pagdumi ng pasyente at may kasabay na pamumuo ng laman na nararamdaman sa anal opening o sa bungad ng butas ng puwet… tinatawag itong external hemorrhoids.
Kaugnay nito ay ipinaliwanag ni dr.E na kung ang pagdurugo kasabay ng pagdumi ay may kasabay na nararanasang pagkahilo at panghihina ng katawan ay maari itong epekto ng nauubos na dugo ng pasyente at kailangang isangguni sa manggagamot.
Tinukoy rin ni dr.E ang tulong ng balat ng puno ng acacia na maaring pakuluan sa tamang sukat at ipapa-inom sa pasyente, tatlo hanggang apat na baso bawat araw.
Sinabi ni dr.E na may kakayanan ang bark of acacia tree na mapatigil ang pagdurugo ng pasyente.
May tinatawag naman na thrombosed external hemorrhoid kung saan nagkakaroon ng pamumuo ng dugo o blood clot sa loob ng ugat na nagiging sanhi ng pananakit at pamamaga.
Samantala, ang tinatawag na internal hemorrhoids ay namumuo sa loob ng lining ng rectum at hindi kaagad nararamdaman hangga’t hindi pa ito bumababa sa butas ng puwet na nagdudulot ng pananakit at makating pakiramdam.
Ipinaliwanag ni dr.E na sa holistic approach ng paggagamutan ay kailangan na gawing hydrating o mayaman sa sabaw at tubig ang pang araw-araw na diet ng pasyente at maraming makatas na prutas.
Kailangan diumanong mapababa ang temperatura ng katawan ng pasyenteng may almuranas sa tulong ng hydrating diet upang mas mapabilis ang paghupa ng pamamaga ng affected area.
Gayundin ay dapat munang iwasan ang pagkonsumo ng lahat ng mamantikang mga pagkain gayundin ang lahat ng maanghang na ayon pa rin kay dr. E ay maaring magpalubha sa kondisyon ng nasabing karamdaman.
Karaniwan ng ipinapayo ni dr.E ang rectal steaming procedure bilang natural na operasyon para sa agarang paggaling ng almuranas.
Kailangan lamang magpakulo ng pinaghalong 3 basong tubig at isang basong suka. At habang hinihintay ng pasyente ang pagkulo ng naturang mixture ay I-stimulate na sa affected area ang healing galing oil gamit ang malinis na bulak.
Matapos na kumulo ang mixture ng tubig at suka ay isasalin ito sa maliit na balde o di kaya ay sa mataas na orinola na may rubber protection sa palibot ng labi nito upang hindi mapaso ang pasyente.
Dito uupo ang pasyente sa loob ng 30-minuto o hanggang sa matapos ang steam ng mixture ng 3 ulit sa isang araw.
Sinabi pa ni dr.E na kailangang uminom ng herbal serpentina tablet o ang katumbas nito sa sariwang dahon bilang mabisang anti-biotic panlaban sa impeksyon ng almuranas.
At para malunasan ang pagkirot na nararanasan ng pasyente ay ipinapayo ni dr.E ang pag-inom ng herbal vitamins b1,6,12.
Samantala, para sa mga pasyenteng nagsisimula pa lamang ang nararansang almuranas ay maari agad na maglagay ng healing galing oil sa affected area para mapigilan ang paglubha ng kondisyon.
Off