• hotline number
    • EPISODE 2: LEUKEMIA Posted January 16, 2017

      Off

      EPISODE 2: LEUKEMIA
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      karaniwang nararanasan ng taong may leukemia ang pagiging maputla kasabay ng panghihina o ang pakiramdam na laging pagod.

      Kabilang din sa mga sintomas ng sakit na ito ang pagbaba ng timbang ng pasyente, ang pananakit ng mga buto at kasukasuan, pamamaga ng mga kulani o lymp nodes gayundin ang pagkakaroon ng mga pasa at pagdurugo o bleeding.

      Maari ding makaranas ang pasyenteng may leukemia ng pamamaga ng spleen o pali at ng atay na nagiging dahilan ng pananakit at pamamaga ng tiyan.

      Samantala, kung maaapektuhan ng leukemia cells ang utak ng pasyente ay makakaranas ito ng pananakit ng ulo, pagkalito, kawalan ng muscle control, pagsusuka at maaring humantong sa seizure.

      Sinasabi sa mga pag-aaral na hindi namamana ang nakamamatay na karamdamang ito.

      Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa matukoy ng modernong medisina ang tiyak na dahilan ng pagkakaroon ng leukemia.

      Sa kabilang dako ipinaliwanag ni dr.E na sa natural na paraan ng paggagamutan ay mataas ang success rate ng paggaling ng mga karamdaman tulad ng leukemia sa pamamagitan ng holistic approach na ipinapayo ng healing galing.

      Kaugnay nito ay sinabi ni dr.E ang pangangailangan ng leukemia patient ng sapat na iron-rich food kasabay ng hydrating diet.

      Kailangan din ang pag-iwas sa mga pagkaing may asim at mga inuming malalamig at mabula na ayon kay dr.E ay maaaring magpalubha sa pasyenteng may leukemia.

      Ipinapaalala rin ni dr.E ang pagtulog ng walong oras sa gabi at ang pag-iwas sa pagpupuyat.

      Ipinapayo ni dr.E ang pagpapainom sa pasyente ng healing food tablets tatlong beses sa isang araw, kasabay ng pagkain.

      Tinukoy ni dr.E ang tulong na nabibigay ng healing food tablets para sa pag balanse ng platelet count at hemoglobin count ng pasyenteng may leukemia.

      Idinagdag rin ni dr.E ang tulong na gamot mula sa halamang tawatawa dahil sa mataas na taglay nito na bio flavonoid.

      Sinabi ni dr.E na makakatulong kung ang tawatawa tonic ang ipapalit na regular na inumin ng pasyente sa panahon ng paggagamutan.

      Binigyan diin rin ni dr.E ang kahalagahan ng pag inom ng herbal vits. B1,b6,b12 para sa pag repair ng huminang mga ugat ng pasyente dahilan sa karamdamang leukemia.

      Samantala ipinapayo ni dr.E ang paghahaplos ng healing galing oil sa bandang balakang ng pasyente tatlo hanggang apat na beses sa isang araw.

      Layunin ng gentle massage ng healing galing oil na ma stimulate ang center of the bone marrow ng pasyente para ma i-distribute ang mga sustansyang pumapasok sa katawan sa tulong ng pinalusog na bone marrow.