• hotline number
    • EPISODE 5: MALING NUTRISYON Posted January 16, 2017

      Off

      EPISODE 5: MALING NUTRISYON
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      mahigit 6,500 taon na ang nakalilipas simula ng matuklasan na may tinatayang 3,000 klase ng mga gulay ang maaring kainin ng mga tao samantalang may 50 uri naman ng karne ng hayop at libu-libong uri ng yamang dagat ang maaring pagpilian para sa pang araw-araw na pagkain.

      Gayunman ayon kay dr.E ay kinakailangang maging mapili at mapanuri sa mga pagkaing nabanggit.

      Sinabi ni dr.E na bagama’t nariyan ang mga pagkaing itinuturing na hindi nakalalason o ligtas for human consumption ay kailangang iwasan ang madalas na pagkonsumo ng mga pagkaing mataas sa kolesterol at acidity, gayundin ang sobrang maalat at mataas sa uric acid.

      Pinuna ni dr.E na sa kasalukuyan ay dumarami ang mga batang nagkakaroon ng mga karamdamang dati ay pawang ang nakatatanda lamang ang nakararanas dulot ng maling nutrisyon.

      Sa murang gulang ay may mga bata na nakakaranas na ng mga sintomas ng sakit sa kidneys, sakit sa puso, high blood pressure at iba’t- ibang uri ng cancer condition.

      Dahilan dito kaya ipinapaalala ni dr.E ang holistic approach na ipinalalaganap ng healing galing sa natural na paraan ng pagpapanatili ng magandang kalusugan, lalo na para sa mga bata.

      Ipinaliwanag ni dr.E na kailangang suportahan ang mga bata ng masustansyang pagkain na nakakatugon sa kanilang pangangailangang pangkalusugan subalit binigyang diin ni dr.E ang palagian niyang paalala na “ everything should be in moderation” maging sa sustansyang ipinapakain sa mga bata.

      Mula sa magkakaibang sources, upang hindi magsawa ang mga bata ay kailangan nila ng mga pagkaing mayaman sa protina, carbohydrates, calcium at iron rich food kasabay ng hydrating diet.

      Idinagdag pa ni dr.E na hindi rin dapat kalimutan ng mga magulang na turuan ang mga bata na matulog ng walong oras at ang pagbibilad sa sikat ng araw sa pagitan ng alas sais at alas otso ng umaga.