karaniwan nang nakakaranas ng fatty liver condition ang mga taong mataba dahil sa madalas na pagkonsumo ng mga pagkaing sagana sa taba ng karne, kolesterol at mamantikang lutuin.
Gayunman, ipinaliwanag ni dr.E na kahit ang mga taong hindi mataba ay maaring makaranas din ng nasabing kondisyon dahil sa kaparehong hilig sa pagkain tulad ng mga tumatabang indibidwal.
At sa paglilibot ni dr.E sa iba’t ibang-bahagi ng bansa ay kanyang napag-alaman na ang probinsya ng cebu ang isa sa may pinakamataas na bilang ng mga tao sa bansa na pawang may fatty liver condition.
Dahilan marahil ito sa hindi mapigil na takam sa linamnam ng lechon cebu!
Kaya naman ang paalala ni dr.E ay isaisip lagi ang kasabihan sa ingles na “ everything should be in moderation” partikular sa pang araw-araw na pagkain.
Sinabi ni dr.E na napakaraming trabaho ang ginagawa ng atay para sa pangangalaga ng ating kalusugan bukod sa tuloy tuloy na paglilinis at pag-aalis ng toxins na naiipon sa ating katawan araw-araw.
Binanggit ni dr.E na ang atay rin ang nagpo-produce ng bile para sa pagtunaw ng ating mga kinakain at nagsu-supply ng mga mahahalagang sustansiya sa ating mga vital organs.
Ang atay pa rin ang responsable sa pagre-regulate ng levels ng protina sa ating system, gayundin ang fats at sugar sa ating dugo.
Sa atay pa rin pinoproseso ang alkohol sa alak na iniinom pati na ang mga synthetic drugs na pumapasok sa ating katawan.
Ang mga function na ito ayon kay dr.E ay hindi na nagagampanan ng atay kapag ito ay nagdevelop na ng karamdaman.
Mula sa pagkakaroon ng fatty liver ay maaring mauwi sa mas malubhang kondisyon ang kalagayan ng atay at sa kalaunan ay maging sanhi ng pagkamatay ng pasyente.
Kaya naman binigyang diin ni dr.E na ibayong pag-iingat pa rin ang pinakamabuting gawin sa pangangalaga ng atay upang makaiwas sa pagkakasakit nito
at para sa mga taong may ganitong uri na ng karamdaman, ipinaliwanag ni dr.E na ang pag-inom ng herbal calcutab bilang mabisang panlinis sa atay ng pasyente kasabay ng paghahaplos ng healing galing oil sa affected area at pag-inom ng mainit-init na herbal cleansing tea ay dapat na sinasabayan rin ng holistic approach sa paggagamutan na ipinalalaganap ng healing galing.
Off