• hotline number
    • EPISODE 9: DIALYSIS, ENOUGH NA PLEASE Posted January 16, 2017

      Off

      EPISODE 9: DIALYSIS, ENOUGH NA PLEASE
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      napag-alaman sa mga pag-aaral na umabot na sa nakakabahalang bilang na mahigit limandaang milyon katao sa buong mundo ang nakakaranas ng sakit sa kidney.

      Sa nasabing bilang ay may mahigit sa 1.5 m sa mga ito ang napapanatiling buhay sa pamamagitan ng dialysis o di kaya ay ng kidney transplant.

      Samantala, bawa’t taon ay maraming pasyenteng hindi nalalapatan ng lunas ang namamatay. Bunga na rin ng hindi makayanang halaga ng gastusin lalo na sa regular na pagpapa-dialysis at kidney transplant.

      Maging ang dept. Of health sa ating bansa ay naaalarma rin kaugnay ng mga ulat na ito lalo pa’t maraming pasyenteng pinoy ang walang kakayanang tustusan ang halaga ng gamutan para mapigil ang patuloy na pagtaas ng creatinine level o lason sa kanilang dugo dulot ng kidney failure.

      Taon-taon ay nadadagdagan ng sampu hanggang labinlimang porsyento ang mga pilipinong nakakaranas ng kidney failure condition mula sa tinatayang bilang na 130 katao sa bawa’t isang milyong populasyon sa bansa.

      Ang mga pasyente naman na nakinabang sa kidney transplantation ay sinasabing nadadagdagan ang haba ng buhay mula pitong taon hanggang sa dalawampung taon.

      Sinasabing ang donasyong kidney mula sa buhay na donor ay maaring tumagal ng 12 hanggang 20 taon.

      At ang donasyong kidney mula sa taong binawian na ng buhay ay maaring tumagal ng 8 taon hanggang 12 taon

      sa kabilang dako, binigyang diin ni dr.E na sa natural na paraan ng paggagamutan, the healing galing way ay maaring muling maibalik ang kalusugan ng nabubulok na kidneys at maaring maibalik sa normal ang creatinine level ng pasyenteng may kidney failure condition, sa holistic approach ng gamutan.

      Hindi kailangan gumastos ng malaki sa paraang natural ayon kay dr.E, subalit mangangailangan ito ng tiyaga at disiplina sa panig ng pasyente gayundin ng suporta mula sa pamilya nito.

      Sa holistic approach ng “natural healing” ay unang binibigyang pansin ni dr.E at ng haling galing naturopathic practitioners ang pagbalanse sa sugar levels ng pasyente lalo pa’t karaniwang mga diabetiko ang mga nakakaranas ng kidney condition.

      Dito ay ipinapayo ang low carbohydrate diet at zero carbohydrate diet naman kung may prutas na kasama ang kakainin ng pasyente o may anumang source ng tamis.

      Ang disiplina sa diet ng pasyente ay sinasabayan ng paggamit ng tugmang mga halamang gamot ng healing galing.

      Sinabi ni dr.E na may 22 taon na ngayon mula noong 1994 ng kanyang matuklasan na may mga tugmang halamang gamot at hiyang na pagkain para sa bawa’t karamdaman upang mapanumbalik ang kalusugan ng pasyente.

      Ipinapyo ni dr.E sa mga pasyente na halos ay nawawalan na ng pag-asang gumaling dahilan sa hindi makayanang gastos sa gamutan sa na natural na paraan ay may pag-asang malunasan ang karamdaman ng hindi kailangang lubhang mahal ang magagastos kasabay ng wastong disiplina.