I
Ang bawat tao ay nagtataglay ng isang pares ng kidneys na siyang tumutulong sa pag-tanggal ng dumi sa dugo.
Tulad ng ibang internal organs ay kinakailangang mapangalagaan ang mga kidneys para sa maayos na kalusugan.
Subali’t may mga taong nakakaranas ng sakit sa kidneys dulot ng pagkakaroon ng diabetes, high blood pressure at polycystic kidney desease.
Sinasabi sa mga pag-aaral na 1 sa bawat 3 taong may diabetes sa loob ng atleast 15 taon ang nagdedevelop ng sakit sa kidneys.
At iniuugnay rin ang pagkakaroon ng high blood pressure sa pagkasira ng kidneys o ang tinatawag na kidney damage, bukod sa stroke at heart attack na idinudulot nito.
May tinatawag na acute kidney failure na nagsisimulang sumumpong ang sintomas sa loob ng ilang oras hanggang sa ikalawang araw tulad ng pamamanas ng mga binti at paa, pakiramdam ng pagkapagod at mahinang pag-ihi.
May tinatawag ring chronic kidney failure kung saan hindi kaagad nakakaramdam ng sintomas ang pasyente hanggang sa bumaba ng below 50% sa normal ang kidney function. at dito ay nagiging kapansin-pansin ang madalas na pag-ihi, pangangati ng katawan at panghihina na nararanasan ng pasyente.
Samantala, ang mga taong hindi nakakainom ng sapat na dami ng tubig, lalo’t mahilig sa pagkain ng maalat at ng inumin at pagkaing mataas sa uric acid, at nagpipigil sa pag-ihi ay nakakaranas ng kidney stones o bato sa bato.
II
Sa natural na paraan ng paggagamutan, ipinapayo ni DR.E sa mga diabetiko na isagawa ang tamang disiplina sa pagkain upang hindi makaranas ng hyperglycemia o ang pagtaas ng asukal sa dugo na maaring makapinsala sa kidneys.
Tinutukoy ni DR.E na makabubuting isang uri lang ng asukal ang dapat i-consume ng diabetiko per meal. dapat umanong limitahan lamang ang glucose, o sucrose, o fructose sa bawat pagkain ng pasyente at hwag itong kainin ng magkakasabay.
Ang pag-inom ng isa hanggang 2 baso ng malinis na tubig bawat oras ang ipinapayo ni DR.E sa mga diabetiko at mga high blood patients para sa wastong pangangalaga ng kidneys
Ipinapaalala rin ni DR.E na hindi marapat na nagpipigil sa pag-ihi dahil maaring magsimula sa urinary tract infection, ay mauwi ito sa pagkasira ng kidneys, lalo na kung mahilig pa sa pagkain ng may bagoong, patis at toyo.
At para sa mga pasyenteng may alta presyon, makabubuting iwasan ang maalat at mga pagkaing mataas sa cholesterol.
Sa western medicine ay tinutukoy ang anumang kidney desease sa pamamagitan ng routine laboratory test results tulad ng blood tests, urine tests,kidney ultra sound at iba pang imaging tests upang alamin kung may kidney stones ang pasyente o kung umabot na ang kondisyon sa kidney failure.
Para sa mga pasyenteng kapos ang budget sa mahal na laboratory examinations ay itinuturo ni DR.E ang pagtukoy sa karamdaman ng kidneys sa naturopathy.
Itinuturo ni DR.E ang pagpisil sa kidney points sa tigkabilang palad ng pasyente, at kung may masakit na naramdaman sa nasabing bahagi ng palad ay sintomas ito ng problema sa kidney.
Kung ito ay may kasabay na pamamanas sa paa ng pasyente na nagsisimula sa tila paglubog ng mga ugat sa paa, may pasumpong-sumpong na pag-ugong sa tenga at parang pagtusok na nararamdaman sa kaliwa o kanang bahagi ng bewang katapat ng siko kung saan ang hanay na matatagpuan ang ating mga bato, sinabi ni DR.E na maaring konektado ito sa kidneys.
Idinagdag pang palatandaan ni DR.E kaugnay nito ang pagkakaroon ng mabula at may amoy na ihi, ang pasumpong-sumpong na pakiramdam ng panghihina ng pasyente at ang pagkakaroon ng tila dumi o discoloration sa kuko ng pasyente na maaring umabot sa mistulang pagkabulok nito na hindi naman naapektuhan ng anumang sakit o aksidente ang mga kuko.
Kapag karamihan sa mga nabanggit na sintomas ay nararanasan ng pasyente at may kasabay na pagtaas ng creatinine level o lason sa dugo ay isa na umano itong kundisyon ng kidney failure.
Samantala, kung ang pananakit ng kidney points sa palad tulad ng nauna ng nabanggit ay walang kasabay na naturang sintomas, ayon kay DR.E ay nangangahulugan lamang ito na may bato sa bato ang pasyente.
Inirerekomenda sa ospital ang dialysis para sa mga taong may kidney failure.
Sa naturopathy ay itinuturo ni DR.E ang holistic approach sa
paggagamutan kabilang ang detox protocol bilang substitute sa dialysis at ipinapayo rin ang pag-inom ng herbal serpentina tablets o ang paggamit sa dahon ng halamang serpentina bilang herbal anti-biotic para sa pagpapababa ng creatinine level ng pasyente.ang herbal rhizome pills ang ipinapayo ni DR.E bilang vitamin for the kidneys at nagpapahupa sa pamamanas ng pasyente.
Kabilang sa payo ni DR.E ang gentle massage ng healing galing oil sa kidney points upang tulungan ang sirkulasyon sa bahagi ng mga bato at ang pag-inom ng herbal vits. b1,b6,b12 para i-repair ang mga ugat ng bato na nakakaranas ng kidney failure condition.
Kasabay rin ang regular na kidney exercise sa mga payo ni DR.E sa pasyente upang mabilis na maibalik ang buhay ng nabubulok na kidney.
Sa mga may kidney stones ay ipinapayo ni DR.E ang hydrating diet na kinabibilangan ng pag-inom ng 1 hanggang 2 basong tubig kada oras, puro masasabaw na ulam lamang at makakatas na prutas.
Sinasabayan ito ng pag inom ng herbal calcutab na magpapalambot ng bato sa bato at tinutulungan ng hydrating diet na mag flushing sa pamamagitan ng pag-ihi kung saan nakikita ng pasyente ang paglabas sa ihi ng malabuhanging crystals.
Samantala, nailalabas din ng herbal calcutab sa katawan ng pasyente, bukod sa bato sa bato ang mga bato na tumutubo sa atay, sa lapay at sa apdo o ang tinatawag na gallbladder stones o gallstones sa pamamagitan naman ng pagdumi.
Kaugnay naman ng polycystic kidney desease, ay sabay na ipinaiinom ni DR.E sa pasyente ang herbal rhizome pills bilang vitamin for the kidneys at ang herbal calcutab bilang pantunaw sa bukol ng bato na inilalabas sa pag-ihi.
Sinasabayan ng hydrating-alkaline diet ang gamutang ito kung saan pinaiiwasan muna ni DR.E sa pasyente ang mga pagkaing acidic at mataas sa uric acid, pati na ang malalamig na inumin at pagkain.
Off