Ang pamamanhid ay maaaring magresulta sa kawalan ng pakiramdam, kirot, pangangati at parang nakakapasong pakiramdam.
Karaniwang mga sintomas nito ay ‘spasm’ sa kalamnan, pananakit ng apektadong bahagi, o pagiging sensitibo ng pandama.
Maaari naman itong maging dahilan ng kahirapan sa paglakad.
Ang madalas na pinagmumulan ng pamamanhid ay ang pagkaipit ng ugat sa katawan.
Kadalasang ang pansamantalang pamamanhid ay dulot ng mga gawaing tulad ng pag-upo ng naka-ekis ang mga binti o malayuang pagbibisikleta, at matagalang hindi paggalaw.
Maari ding nangyayari ito dahil sa kondisyon sa buto na kalaunan ay nagdudulot ng pinsala sa nervous system ng katawan.
Maaaring ibalik ang sirkulasyon ng katawan sa pamamagitan ng ehersisyo, pag-iinat, at masahe sa apektadong bahagi upang pabilisin ang pagsasaayos ng kondisyon ng pasyente.
Off