Ang balat ang pinakamalaking organs sa ating katawan na maaring umabot sa 20 square feet ang lapat.
Nagbibigay ng proteksyon ang balat laban sa may 1000 uri ng mga mikrobyo na maaring makapinsala at iba pang maaring epekto sa kalusugan mula sa kapaligiran.
Nagsisilbing insulation ang ating balat para sa may 20 uri ng blood vessels o mga ugat, 650 sweat glands, 60,000 melanocytes o mga epidermal cells na nagpo-produce ng melanin sa ating balat, buhok at mga mata gayundin para sa may higit sa 1,000 nerve endings,
malaking tulong ang balat para sa pagre-regulate ng body temperature at siya ring daluyan ng pandama o sensation.
Nagtataglay ng repair enzymes ang balat para mai-reverse ang pinsalang dulot ng matinding sikat ng araw o ultraviolet radiation at sa iba pang trauma na maaring makapinsala sa balat tulad ng pagkapaso at pagkasunog nito.
At sa usapin ng pagkapaso o pagkasunog ng balat ay maaring maapektuhan ang tatlong layers ng balat na binubuo ng:
- Epidermis o ang nakalabas na bahagi nito na nagsisilbing waterproof barrier ng katawan kung saan nalilikha ang skin tone o kulay ng balat.
- Ang Dermis na nasa ilalim ng epidermis na nagtataglay ng matitibay na connective tissue, hair follicles at sweat glands.
- At ang pinaka malalim na subcutaneous tissue o ang hypodermis na nagtataglay ng fats at iba pang connective tissue.
Ang pagkasunog ng balat ay nahahati sa apat na klasipikasyon.
- First- degree o superficial burns kung saan ang apektado ng sunog ay ang epidermis o ang outer layer of skin.
At ang mild sunburn ay nabibilang sa first degree burn. - Second- degree o partial thickness burns kung saan bukod sa epidermis ay nadamay na sa pagkasunog ng balat ang dermis layer nito.
- Third-degree o full thickness burns kung saan tuluyan nang nasira ang epidermis at dermis layers ng balat bunga ng pagkasunog.
Dahilan dito ay maaring maapektuhan rin ang mga buto,muscles at tendons ng pasyente.
- Fourth-degree burns kung saan inabot na rin ng pagkasunog pati na ang mga buto, muscles hanggang tendons ng pasyente.
Sa ganitong kondisyon ay nawawalan na rin ng pakiramdam ang affected area dahil sa pagkasira ng nerve endings.
Ipinaliwanag ni dr.E kaugnay nito na anumang uri ng pagkasunog ay makapipinsala sa sino man kaya’t ibayong pag-iingat ang kailangan.
At binigyang diin ni dr.E na kapag nakaranas ng pagkasunog ng balat, iwasan itong mabasa kaagad lagyang ng healing galing oil upang maging mabilis ang pagkatuyo ng sugat.
Hangga’t maari ay iwasang mabasa ang affected area upang maiwasan ang pagsulpot ng blisters, ayon kay dr.E.
At kung malaking bahagi ng balat ng pasyente ang naapektuhan ng pagkasunog, ipinapayo ni dr.E na matiyaga itong lagyan ng healing galing oil hanggang sa gumaling upang maiwasan ang pagdidikit-dikit ng balat na nasunog tulad ng karaniwang nangyayari sa mga brasong nasunog.
Off