• hotline number
    • EPISODE 12: ARTHRITIS Posted February 20, 2016

      Off

      EPISODE 12: ARTHRITIS
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      Ang arthritis ay isang karamdamang pumipinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nakakaapekto sa pang araw-araw na pagkilos ng pasyente.

      Bagama’t hindi nakakahawa, tinatayang may 200 uri ng rheumatic diseases na nakakaapekto sa mga dugtungang bahagi ng katawan ng tao a tinatawag nating kasukasuan.

      Kabilang na dito ang osteoporosis, gout, fibromyalgia, gayundin ang lupus, ang rheumatoid arthritis na nakakaapekto sa iba’t ibang internal organs na nagiging sanhi ng maraming sintomas at ang pangkaraniwang uri ng arthritis, ang osteoarthritis.

      Sinasabi sa mga pag-aaral sa modernong gamutan na may iba’t ibang kadahilanan ang pagkakaroon ng arthritis. katulad ng overactive o abnormal na immune system, pagkakaron ng impeksyon, dulot ng aksidente, abnormal na metabolismo ng katawan ng isang tao at sinasabing ito ay namamana rin.

      Tinutukoy rin ang mga pagkaing mataas sa uric acid, kabilang na ang beer at ilan pang mabulang inumin, ang mga laman loob ng hayop at mabubutong gulay.

      Karagdagan pa dito ang ilang anti-hypertensive medications, diuretics, nicotinic acid, cyclosporin, allopurinol, probenecid, pain reliever at chemotherapy na naiulat na maaring magdulot ng pagtaas ng uric acid levels na nagpapabula sa arthritis.

      Maaring sa simula ay makaranas ang sino mang may arthritis ng pananakait sa isang bahagi lamang ng joints sa katawan, hanggang sa nagiging pang matagalan ang kondisyon ito at dumadami ang apektadong bahagi ng katawan na sinasabayan pa ng pamamaga at paninigas ng apektadong bahagi.

      Ang gout ay maaring sumumpong sa hinlilitt na daliri ng kamay na magsisimulang bumaluktot o sa iba pang daliri nito na maaring magsimula sa pagiging “trigger finger” hanggang sa tuluyan na itong ma-deform.

      Ang iba ay nagsisimula sa mga daliri ng paa. sa bukong-bukong ng paa ay may nagsisimula ring arthritis o sa tuhod na kapag napabayaan ay nagreresulta sa pagkalumpo. hanggang sa tuluyan nang hindi makabangon at hindi makalakad ang pasyente.

      May mga ulat na nagsasaad na isa ang sakit sa puso na sumasabay sa pagkakaroon ng arthritis at may tinatawag na rheumatic heart disease.

      Isa rin sa pinangangambahang resulta ng lumulubhang kondisyon ng arthritis ang depresyon. sinasabing ito ay bunga ng nawawalang kakayanan ng pasyente na kumilos at gumalaw tulad ng nakasanayang na’ng gawin. hinahanap-hanap ito ng katawan kung kaya’t ang limitadong pagkilos dahil sa anumang uri ng rayuma ay nakapagdudulot ng severe psychological distress sa taong nakakaranas nito. mistulang ikinalulungkot ng labis ang tila pagiging inutil na at nagiging pabigat sa pamilya dahilan para manlumo at mawalan ng pag-asang mabuhay.

      May kaso rin na nakakamatayan na ng pasyente ang kondisyong ito.

      Sa makabagong paraan ng gamutan sa mga health care facilities ay nilulunasan ang karamdamang ito sa pamamagitan ng pain reliever medications at physical therapies.

      Karaniwan na’ng nararanasan ang arthritis ng mga taong may edad 50 taong gulang pataas. bagama’t marami ring mas nakababata ang naaapektuhan ng sakit na ito at maging ang mga bata mismo na hindi pa umaabot ng 18 taong gulang ay nagiging biktima rin.

      Sa isang pag-aaral ay napag-alaman na ang mga batang madalas na umiinom ng antibiotics ay doble ang risk na magdevelop ng juvenile arthritis kumpara sa mga batang hindi umiinom ng anumang antibiotiko.

      Samantala, sa healing galing gamutan ay ipinapayo ni DR.E sa mga pasyente ng arthritis na iwasan din ang mga iced beverages at sa halip ay puro mainit-init ang dapat inumin para matulungan mag-dilate ang mga ugat sa katawan na magbibigay daan para mas maayos na maihatid ang supply ng oxygen sa mga apektadong bahagi ng kasukasuan at mabawasan ang pananakit na nararanasan ng pasyente.

      Makatutulong din umano bukod sa mga nabanggit na, ang pag-iwas sa mga maaasim at ginataang pagkain.

      Sa holistic approach ng pagagamutan binibigyan diin ni DR.E ang healing powers ng collagen-rich foods na lulutuin ng may sabaw o hydrating, upang muling palusugin ang cartilage na nag-uugnay sa buto ng pasyente.

      Kabilang dito ang chicken feet, litid ng baboy, baka at kalabaw, gayundin ang bone marrow ng baka. sa hanay ng gulay ay mayaman sa collagen ang saluyot, alugbati, gynura, talinum at paddle cactus.

      Kasabay ng regular na hydrating collagen-rich diet ng pasyente ay ipinapayo ni DR.E ang regular na gentle massage ng healing galing oil sa apektadong bahagi ng katawan sa loob ng 20 hanggang 30 minuto, three to four times a day na laging dadampian ng warm compress bago at matapos ang gentle massage.

      Ipinapayo rin ni DR.E ang pagkain ng calcium rich food, kasabay ng hydrating collagen-rich diet ng pasyente upang palakasin ang mga humihinang buto. at isa sa mga paboritong hydrating at calcium rich food ni DR.E ay ang singkamas.

      Kasabay nito ang pagsasaayos sa mga naapektuhang ugat sa kasukasuan ng pasyente sa tulong ng herbal vits.b1,b6 at b12.

      Ipinapaalala rin ni DR.E na dapat sikapin ng pasyente na gawing madalas ang paggalaw o pag-ehersisyo na malaking tulong sa mabilis na paggaling ng pasyente.

      Sa kabilang dako, kung nasa malubhang kondisyon na ang pasyente na tila iginupo na ng arthritis, ay inirerekomenda na ni DR.E ang healing galing detox protocol diet sa loob ng tatlong araw hanggang isang linggo o higit pa, upang mabilis na maitapon ng katawan ng pasyente ang mga toxins na nagdudulot ng komplikado niting kalagayan.

      Isinasabay na rin dito ni DR.E ang serpentina tablet o ang dahon ng halamang ito bilang tsaa para agad na mapahupa ang pamamaga at pananakit ng kasukasuan.

      Tinutukoy rin DR.E ang tulong ng ilang halamang gamot na makakatulong sa mga pinahihirapan ng arthritis, kasama na dito ang

      Aloe vera, na kilala sa kanyang healing properties para sa mga pananakit na nararamdaman. maaaring iaply ang sariwang katas ng aloe vera sa mga nananakit na kasukasuan at makakatulong sa soothing effect nito.

      Makakatulong rin sa mga pasyente ng ganitong kondisyon kung palalakasin rin ang mga muscle ng katawan para masuportahan ang kasukasuan sa pamamagitan ng potassium intake mula sa mga sariwa at hilaw na gulay at prutas na mayaman dito.

      Napag-alaman sa mga pag-aaral na malaki ang nababawas na potassium kapag niluto na ang mga gulay at prutas.

      Kabilang sa mga pagkaing mayaman sa potassium ang saging lalo na ang saba, melon at kalabasa, gayundin ang black rice at whole wheat bread.

      Ipinapayo ng mga eksperto ang pagkain ng hanggang 4,700 millligrams kada araw ng mga pagkaing mayaman sa potassium.

      Kapag nakaramdam na ng ginhawa ang pasyente ay maari ng mag-shift sa hydrating collagen-rich diet ang pasyente.

      Ang luya at ang turmeric ay parehong nagtataglay ng anti-inflammatory properties. maaring gamitin ang dinikdik na sariwang luya at turmeric bilang pantapal sa mga kasukasuang sumasakit kasama ng langis ng niyog.

      Sa kabilang dako ay maaring magbabad (soak) ang pasyenteng pinahihirapan ng arthritis sa mixture ng epsom salt at mainit-init na tubig.

      Natutulungan nito na paginhawain ang pakiramdam ng mga muscle at kasukasuang nananakit dahilan na rin sa mataas na magnesium na taglay ng epsom salt. bukod pa sa inaayos nito ang kondisyon ng puso at presyon ng dugo.

      Ihalo lamang ang 2 tasa ng epsom salt sa mainit-init na tubig kung saan magbababad ang pasyente hanggang sa mawala ang init nito.

      Para sa matinding pananakit ay maari itong gawin ng 3 hanggang apat na beses per week.