• hotline number
    • EPISODE 12: KIDNEY CYST Posted January 16, 2017

      Off

      EPISODE 12: KIDNEY CYST
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      Ang madalas at sobrang consumption ng mga pagkain at inumin na mataas sa uric acid ay hindi makakabuti sa kalusugan ng tao.

      Ito ang binigyang diin ni dr. E bilang babala sa mga mahilig sa mga laman loob ng hayop na nagtataglay ng pinakamataas na lebel ng uric acid.

      Tinukoy rin ni dr. E ang ilang isda at seafoods na may mataas na uric acid at dapat iwasan ng mga taong nakakaranas na ng side effects nito tulad ng mga dilis tuyo at sardinas na nasa tomato sauce, gayundin ang lobster, scallops at hipon.

      Sa mga gulay ay tinukoy ni dr.E ang mga nagtataglay ng buto na tinatawag ring lentils o legumes na kabilang sa magdudulot ng uric acid kung madalas ang pagkonsumo ng mga ito. At kabilang sa hanay na ito ang mga nuts and beans.

      Sa halip ipinapayo ni dr. E na ipalit sa regular diet ang mga nagtataglay ng mataas na lebel ng magnesium at nagtataglay ng mas mababang lebel ng calcium upang mapababa ang uric acid build up sa dugo ng pasyente.

      Ang ilang halimbawa ng pagkaing mayaman sa magnesium ay ang mais, patatas at avocado. Ipinaliwanag ni dr.E na mainam na sabayan ang magnesium –rich food ng hydrating diet.

      Ang mga alcoholic at mabulang inumin ay tinukoy rin ni dr.E na pinagmumulan ng mataas na lebel ng uric acid gaya ng softdrinks alak, beer, at sabaw ng buko.

      Sinabi pa ni dr.E na lahat ng may gata o ginataan ay sources din ng uric acid tulad ng pang himagas na guinumis at ginataang pang-meryenda o pang-ulam.

      Kabilang ang mga pagkain na may sangkap na yeast sa dapat iwasan ng mga taong may mataas na uric acid at ilang halimbawa nito ay ang mga tinapay na may pampa-alsa, mga inuming dumaan sa fermentation tulad ng beer,wine at iba pang alcoholic beverages.

      Maging ang mga kape na galing sa coffee beans, ayon kay dr.E ay pinagmumulan din ng uric acid gayundin ang oatmeal, taho at tofu na pawang galing sa mga beans.

      Ang normal values ng uric acid sa dugo para sa mga babae ay mula 2.4 hanggang 6.0 miligrams per deciliter at para sa mga lalaki ay mula 3.4 hanggang 7.0 milligrams per deciliter.

      Sa panahong lumagpas na sa acceptable levels ang uric acid sa dugo ay maari na itong magdulot ng problemang pangkalusugan, tulad ng gout, metabolic acidosis o ang pagbaba ng alkalinity sa dugo, lead poisoning, leukemia,toxemia o impeksyon sa dugo at renal disease tulad ng kidney stones at kidney cysts na kapag hindi naagapan ay maaring mauwi sa kidney failure.

      Karaniwan ng natutunaw ang uric acid sa dugo,dumadaloy sa kidneys at inilalabas ng katawan sa pag-ihi. Subalit kapag dumami ng lubha ang accumulation ng uric acid at hindi nailabas ng katawan ay nagre-resulta ito sa kondisyon na tinatawag na hyperuricemia.

      Maaring maapektuhan ng lubhang pagdami ng uric acid ang parehong kidneys ng pasyente, kapwa sa pagkakaroon ng mga bato at bukol o cysts.

      Ipinaliwanag ni dr.E na ang kidney cysts ay maaring mauwi sa mga komplikasyon tulad ng pagkakaroon ng impeksiyon na nagdudulot ng lagnat at pananakit o di kaya ay ng pamamaga ng cysts na maaring humantong sa pagputok nito, at urine obstruction kung saan naapektuhan ng mga tumubong bukol sa kidneys ang normal na pagdaloy ng ihi na maaring maging dahilan ng hydronephrosis.