Sa buong mundo ay tinutukoy ang breast cancer bilang nangungunang sakit ng kababaihan, bagamat may mga lalake rin na nagkakaroon nito.
Karaniwan nang kundisyon ng breast cancer ang tinatawag na ductile carcinoma at lobular carcinoma bukod dito ay may mahigit 18 pang uri ng cancer sa suso, kabilang sa mga sintomas ng sakit na ito ang pagkakaroon ngbukol, paglubog ng nipple, pag-iiba ng hugis ng susong apektado ng cancer, pagiging magaspang ng balat nito at pagkakaroon ng tagas mula sa nipple.
Sa western medicine ay iniuugnay ang pagkakaroon ng breast caner sa paninigarilyo pag inom ng birth control pills, ang high fat diet at mataas ng cholesterol levels kasama na ang obesity.
Sinasabi rin sa ibang pag-aaral na ang exposure sa pesticides ay maaring magdulot ng breast cancer pati na ang diabetes at pinaniniwalaan ng mga dalubhasa na ito ay namamana .
Samantala, sa naturopathy o natural na paraan ng pagagamutan na pinalalaganap ng healing galing ay tinutukoy ang overaccumulation sa katawan ng mga pagkaing mataas sa acidity at uric acid na pinalulubha pa ng pagiging mahilig sa malalamig na pagkain at inumin, ang nakakaapekto sa kundisyong ito.
Ipinapayo sa gamutang natural ang pagkonsumo ng hydrating at alkaline diet sa mga cancer cases tulad ng breast cancer condition na tatalakayin sa episode na ito ng healing galing
Off