• hotline number
    • EPISODE 2: CHIKUNGUNYA Posted January 17, 2017

      Off

      EPISODE 2: CHIKUNGUNYA
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      I
      NAGPAPATULOY ANG PAGSULPOT NG IBA’T IBANG URI NG LAMOK NA NAGDUDULOT NG EPEKTO SA KALUSUGAN NG TAO.

      ANG NAUNANG SAKIT NA MALARIA MULA SA KAGAT NG MGA BABAENG ANOPHELES MOSQUITOES AY NAGBIBIGAY NG TILA TRANGKASONG PAKIRAMDAM KUNG SAAN ANG MGA PARASITE GALING SA LAMOK AY NAIIPON SA ATAY NG BIKTIMA.

      AT SA KASALUKUYAN AY KINATATAKUTAN ANG LAMOK NA TINATAWAG NA AEDES AEGYPTI DAHIL SA DAMI NG KARAMDAMAN NA NALILIKHA MULA SA KAGAT NITO TULAD NG YELLOW FEVER, ZIKA VIRUS,DENGUE AT CHIKUNGUNYA.

      ANG YELLOW FEVER AY KARANIWANG NARARANASAN SA AFRICA AT SOUTH AMERIKA KUNG SAAN ANG INCUBATION PERIOD NG VIRUS SA LOOB NG KATAWAN NG BIKTIMA AY INAABOT NG APAT NA ARAW HANGGANG ISANG LINGGO BAGO MARAMDAMAN ANG MGA SINTOMAS NG SAKIT TULAD NG MATINDING PANANAKIT NG ULO, PAGDUDUWAL AT MATAAS NA LAGNAT.

      NAKAKARANAS NAMAN NG SKIN RASH O MGA PANTAL SA BALAT ANG MGA BIKTIMA NG ZIKA VIRUS KASABAY NG PAGKAKAROON NG SINAT, MUSCLE+ JOINT PAINS AT CONJUNCTIVITIS.

      ANG ZIKA VIRUS AY MAARING MAKAHAWA SA PAMAMAGITAN NG PAKIKIPAGTALIK AT ANG MGA BUNTIS NA NABIBIKTIMA NITO AY MAARING MAGSILANG NG SANGGOL NA MAY MICROCEPHALY CONDITION O ANG PAGKAKAROON ABNORMAL NA PAGLIIT NG ULO AT PAGKAKAROON NG MENTAL DEFECTS.

      DAHILAN DITO AYON KAY DR.E KUNG KAYA’T KAILANGAN ANG IBAYONG PAG-IINGAT NG MGA NAGDADALANG TAO LABAN SA MGA LAMOK NA NANGANGAGAT LALO NA SA TUWING UMAGA AT HAPON.

      SAMANTALA IPINAPAALALA NI DR.E NA ANG DENGUE AY HINDI DAPAT IPINAGWAWALANG BAHALA, DAHIL BUKOD SA NAPAKARAMI NITONG IBA’T-IBANG URI NG KOMPLIKASYON KABILANG NA ANG ABNORMAL BLEEDING TULAD NG PAGKAKAROON NG DUGO SA DUMI AT IHI AY NAKAMAMATAY ANG DENGUE KAPAG NAPABAYAAN.

      BAGAMA’T KARANIWAN NANG WALANG PAGDURUGONG NARARANASAN SA KONDISYON NG CHIKUNGUNYA AY NAGDUDULOT NAMAN ITO NG BIGLAANG PAGTAAS NG LAGNAT AT IGINUGUPO ANG PASYENTE NG LUBHANG PANANAKIT NG MGA AFFECTED JOINTS, MUSCLES AT LIGAMENTS.

      MARAMI PANG IBANG KARAMDAMANG NAKUKUHA MULA SA ILAN PANG URI NG LAMOK NA PAWANG SA IBA’T IBANG PANIG NG MUNDO NARARANASAN.

      AT AYON SA ULAT NA INILABAS NG U.S CENTER FOR DISEASE CONTROL, UMAABOT NG MAHIGIT SA ISA AT KALAHATING MILYON (1.5M) ANG MGA TAONG NAMAMATAY SA BUONG MUNDO TAON-TAON DAHILAN SA KARAMDAMANG DULOT NG KAGAT NG LAMOK.

      II

      ANG PINAKAMABISANG PAG-IWAS SA MGA SAKIT NA DULOT NG KAGAT NG LAMOK AY ANG PAGLAYO SA MGA LUGAR NA DINARAYO AT PINAMUMUGARAN NG LAMOK TULAD NG MARUMI AT MADILIM NA LUGAR GAYUNDIN ANG MGA LUGAR NA MAY STAGNAT WATER O NAIPONG TUBIG NA HINDI DUMADALOY.

      KAUGNAY NITO, SINABI NI DR.E NA MAHALAGANG TAKPAN KUNG MAY MGA INIPONG TUBIG NA MAARING PAMUGARAN NG LAMOK.

      IPINAALALA PA NI DR.E NA ANG MADALAS NA KINAKAGAT NG LAMOK AY ANG MGA TAONG MAINIT ANG SINGAW NG KATAWAN KAYA’T MALAKING TULONG ANG HYDRATING DIET NA KINABIBILANGAN NG PAG-INOM NG ISA HANGGANG DALAWANG BASONG TUBIG BAWAT ORAS, PAGKAIN NG PURO MASASABAW KASABAY NG MAKAKATAS NA PRUTAS AT ANG ARAW-ARAW NA PAGLIGO UPANG PASINGAWIN ANG MGA NAIPONG INIT SA KATAAN NA MAKAKA-AKIT SA MGA LAMOK.

      SINABI PA NI DR.E NA MAKAKATULONG RIN ANG PAGSUSUOT NG LIGHT COLORED NA KASUOTAN, PAGGAMIT NG KULAMBO SA PAGTULOG AT ANG PAGKAKABIT NG SCREEN SA BAHAY PARA MAKAIWAS SA KAGAT NG LAMOK.

      PARA SA MGA MAHILIG KUMAIN NG PRUTAS NA LANSONES IPINALIWANAG NI DR.E NA SA HALIP NA ITAPON MAARING PATUYUIN ANG MGA BALAT NG LANSONES AT GAMITIN ITONG PAUSOK PANTABOY NG LAMOK.

      BINANGGIT RIN NI DR.E ANG ILANG HALAMANG MAARING GAMITIN BILANG MOSQUITO REPELLENT KABILANG ANG :

      1. TANGLAD O CITRONELLA GRASS NA PINAGKUKUNAN NG CITRONELLA OIL PARA SA PAGGAWA NG INSECT SPRAY AT KANDILA LABAN SA LAMOK. AYW RIN NG AHAS ANG AMOY NG TANGLAD.
      2. ANG HALAMANG MARIGOLD NA BUKOD SA PAGIGING PANTABOY NG LAMOK AY NAGBIBIGAY RIN ITO NG PROTEKSIYON SA MGA TANIM NA GULAY PARA HINDI PUNTAHAN NG MGA PESTE SA PANANIM. ANG BULAKLAK NG MARIGOLD AY MAARING KAININ BILANG PANSAHOG SA PAGHAHANDA NG SALAD.
      3. ANG LAVENDER NA MAARING PANDAGDAG SA MGA HALAMAN SA GARDEN PANTABOY NG MGA INSEKTO. NAGTATAGLAY DIN ANG LAVENDER NG CALMING PROPERTIES AT MAARING MABUHAY SA LOOB NG BAHAY O OPISINA KUNG ILALAGAY SA NAAARAWANG BAHAGI NG LUGAR.
      4. ANG MGA DAHON NG PEPPERMINT NA MAARING DURUGIN PARA LUMABAS ANG KATAS AT INIHAHAPLOS SA BALAT UPANG HINDI LAPITAN NG LAMOK.

      MAKAKATULONG DIN ANG KATAS NG PEPPERMINT PARA LUNASAN ANG PANGANGATI NG BALAT DAHIL SA KAGAT NG LAMOK AT IBA PANG INSEKTO.

      SA KABILANG DAKO, IDINAGDAG PA NI DR.E NA AYAW NA AYAW RIN NG LAMOK ANG AMOY NG ITIM NA LANGGAM.

      MAARING IKUSKOS SA BALAT ANG MISTULANG MA-ANTANG LANGIS GALING SA KUMPOL NA MAIITIM NA LANGGAM NA HINDI NANGANGAGAT.

      SIGURADONG LALAYO ANG ANUMANG URI NG LAMOK NA MAARING KUMAGAT SA INYO DAHIL SA MA-ANTANG AMOY NG ITIM NA LANGGAM.