• hotline number
    • EPISODE 3: MASTOIDITIS Posted January 16, 2017

      Off

      EPISODE 3: MASTOIDITIS
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      Ang mastoiditis ay karaniwan nang dulot ng acute otitis media o ang hindi kaagad nalunasan at lumubhang impeksiyon sa tenga na nagreresulta sa pagkakaroon ng likido o ang tinatawag na luga.

      Kabilang sa mga sintomas ng sakit na ito ang nararamdamang pananakit at pamamaga sa mastoid region o sa kabuuan ng apektadong tenga ng pasyente.

      Maari din itong magdulot ng lagnat at pananakit ng ulo.

      Kapag hindi kaagad nalunasan, ang kondisyong ito ay maaring mauwi sa pagkakaroon ng vertigo at mga pag-ugong sa tenga, hanggang sa umabot sa tuluyang pagkabingi ng pasyente.

      Ang impeksiyon na dulot ng mastoiditis ay maaring kumalat sa facial nerve na magdudulot ng facial-nerve palsy at lilikha ng paghina o paralysis ng facial muscles.

      At katulad nga ng nabanggit ni dr.E ay umaabot sa malubhang komplikasyon ang kalagayan ng pasyente kapag hindi ito nalapatan ng tugmang lunas.

      Bukod sa pag-develop ng meningitis o ang pamamaga ng protective membrane na bumabalot sa utak, kabilang rin sa mga seryosong komplikasyon ng mastoiditis ang pagkakaroon ng brain abcess at ang tinatawag na epidural abcess o ang pagkalat ng nana sa pagitan ng bungo at outer membrane ng utak dulot ng impeksiyon.

      Sa natural na paraan ng paggagamutan na ipinalalaganap ng healing galing ay sinisimulan sa nasal steaming procedure o steam inhalation ang pagbibigay lunas sa karamdamang mastoiditis.

      Ipinapaliwanag ni dr.E sa pasyente na malaking tulong kung uunahin sa gamutan ang sinusitis condition at ang madalas na pagbabara ng ilong dulot ng palagiang pagkakaroon ng sipon na direktang konektado sa pamumuo ng likido sa tenga hanggang sa mauwi sa mastoiditis ang kondisyon.

      Sinabi ni dr.E na ang pagbabara sa ilong dulot ng namamagang sinuses at sipon ang pinagmumulan kung kaya’t umaabot hanggang sa tenga ang likido na dapat sana ay nailalabas sa ilong.

      Maaring isagawa ang nasal steaming procedure bilang natural na operation sa sinusitis condition ng isa hanggang apat na beses sa isang araw.

      Kailangan lamang maglagay ng isang basong tubig na pinakuluan sa isang thermos na baso upang mas matagal ma-preserve ang init nito at haluan ng dalawang kutsarang suka.

      Gamitin pantakip ang isang malinis na imbudo at ang usok na lalabas sa dulo ng imbudo ang siyang lalanghapin ng pasyente habang inihahaplos sa sinus points ang healing galing oil sa loob ng 20 hanggang 30 minuto.

      Sa ganitong paraan ay mas madaling nailalabas ang sipon habang pinapahupa ang pamamaga ng sinuses.

      Ipinaliwanag ni dr.E na habang patuloy na nailalabas ang mga sipon ng pasyente sa nasabing paraan ay natatanggal rin ang mga likido sa tenga nito.

      Kapag tumigil na ang pamumuo ng sipon sa tenga ay magsisimula na ang pagtigil ng impeksiyon at pamamaga sa loob ng tenga.

      At para sa tuluyang paggaling ng pasyente mula sa pagkakaroon ng mastoiditis, sinabi ni dr.E na kailangan rin ang matiyagang banayad na paghahaplos ng healing galing oil sa apektadong tenga.

      Ipinaalala ni dr.E na sa holistic approach ng gamutan para sa mastoiditis ay mahalagang bahagi sa pang-araw-araw na diet ng pasyente ang mainit at masabaw na pagkain at inumin.

      Tinukoy rin ni dr. E na dapat munang iwasan ng pasyente ang lahat ng malalamig na pagkain at inumin, gayundin ang mga lugar na malamig at mahamog.

      Sinabi ni dr. E na mas makabubuti kung gagawin ng pasyente ang pagbibilad sa pang-umagang sikat ng araw sa pagitan ng ika-anim at ika-walo ng umaga.

      Para naman sa makirot na nararamdaman ng pasyente dulot ng mastoiditis ay ipinapayo ni dr.E ang pag-inom ng herbal vits. B1,b6,b12. Sa panahon ng gamutan tatlong beses bawat araw, matapos kumain.

      Gayundin ay ipinapayo ni dr.E ang pag-inom ng herbal serpentina tablet o ang tsaa mula sa sariwang dahon ng halamang ito para sa tuluyang lunas sa impeksiyon na dulot ng mastoiditis.