I.
Ang mata ang isa sa mga komplikadong organ ng ating katawan.
Ang iba’t ibang bahagi ng mata ang responsable sa paglikha ng kulay at detalye ng mga hugis na nakikita natin.
Anumang bahagi ng mata ang masira, ay maari itong makaapekto sa kakayanang makakita ng isang tao na kapag hindi nalunasan ay maaring humantong sa pagkabulag.
Ipinaliwanag ni dr.E na malki ang kaugnayan ng nervous system sa ating mga mata, dahil ito ang nag-uugnay sa utak para ihatid ang mga bagay na nakikita natin sa paligid.
Dahilan dito ayon kay dr.E kung kaya’t mahalagang panatilihing malusog ang mga nerves o ang maliliit na ugat na pandama ng syang naghahatid ng mensahe sa pagitan ng utak at iba pang bahagi ng ating katawan.
Bukod sa vit.A-rich food at herbal vitamins b1,b6, b12 ay ipinapaalala ni dr.E ang pangangailangan para sa malusog na mata, sa tulong ng proper hydration mula sa pag-inom ng isa hanggang dalawang basong tubig bawat oras, masasabaw na pagkain at makakatas na prutas.
II.
Sinabi ni dr.E na malaking tulong ang proper hydration sa conjunctiva glands na nagtataglay ng layers ng mucus upang mapanatili ang moisture sa mata.
Ipinalawanag ni ni dr.E na kapag natuyuan ng moisture ang mata ay makakaranas ito ng pangangati at pananakit ng maaaring mauwi sa infection at pagkasira ng paningin, kabilang na dito ang pagkasulimpat.
Natutulungan din ng proper hydration ang lacrimal glands ng mata na matatagpuan sa mga gilid ng nasa labas ng bahagi ng mata. Dito lumalabas ang mga luha na kailangan sa tuwing nagda-dry ang mga mata o di kaya ay kung may particles na nakakapuwing sa mata.
Nagtataglay naman ng watery substance na kung tawagin ay aqueous humor ang bawat mata sa anterior chamber nito na nasa harap ng iris o ang bahagi ng mata na nagtataglay ng pigment, at siyang nagbibigay ng kulay sa mata.
May watery substance rin ang posterior chamber ng mata na direktang nasa likod ng anterior chamber.
Nagagawa ng mga layers na ito na mapanitili ng mata ang hugis nito.
Gayunman ay hindi dapat na naiipunan ng likido ang mata kaya’t ito ay dumadaloy sa tinatawag na schlemm canal.
At kung hindi mag-drain ang likidong aqueous humor sa mata ay sinasabing maaari itong mauwi sa sakit na glaucoma.
Binigyang diin ni dr.E na bagama’t nangangailangan ng moisture ang mga mata ay hindi ito dapat na direktang binabasa ng tubig.
Sa halip ay sa tamang hydrating diet ang paraan ng absorption ng moisture sa mata.
Off