Cardiovascular Disease:
Ang ibat ibang kondisyon ng problema sa puso ang nangungunang nakamamatay na sakit sa buong mundo, maliban sa bansang africa.
Sinasabi sa mga pag-aaral na mas apektado ng sakit sa puso ang mga lalaki kumpara sa mga kababaihan.
Gayunman ay sinasabing mas prone sa heart disease ang mga babaeng may diabetes kumpara sa mga diabetikong lalaki.
Tinatayang sampung porsiyento ng cardiovascular disease ay iniuugnay naman sa paninigarilyo.
Ang kakulangan ng physical activity ang tinutukoy na ika- apat na risk factor sa paglubha ng kondisyon sa puso.
Makatutulong sa kalusugan ang 20-30 minutong ehersisyo, tatlo hanggang limang beses sa loob ng isang linggo.
Ang regular na physical activity ay nakakatulong sa pagbaba ng timbang, nagsasaayos ng blood glucose control, gayundin ng blood pressure, lipid profile at insulin sensitivity ng katawan na may magandang benepisyo sa puso.
Binabanggit rin sa pag-aaral na nangunguna sa mga nagdudulot ng sakit sa puso ang saturated fats o ang madalas na konsumo ng mga matatabang bahagi ng karne at mga balat ng hayop, at ang maalat na preparasyon ng mga pagkain.
Idagdag pa dito ang mahinang pagkonsumo ng isda, gulay at prutas. kung saan tinutukoy ng world health organization na may tinatayang 1.7 million ang namamatay bunga ng hindi pagkain ng mga nabanggit. Binigyang diin pa ng world health organization na ang madalas na pagkain ng high-energy foods tulad ng mga processed foods na mayaman sa taba o sebo at asukal ang nagdudulot ng pagtaba o obesity na madalas na nauuwi sa sakit sa puso.
Samantala, tinutukoy rin ang direktang epekto ng madalas na konsumo ng alak o alkohol sa pagkakaroon ng sakit sa puso.
Pinag-aralan naman ang kaugnayan ng particulate matter sa hangin o air pollution sa pagkakaroon ng cardiovascular disease at napag-alaman na ang madalas at matagalang exposure sa maruming hangin ay nagdudulot ng atherosclerosis at pamamaga ng puso.
Kaugnay nito ay sinasabing may 8 hanggang 18 porsiyento ng populasyon ang nanganganib na mamatay bunga ng cardiovascular disease sa patuloy na pagsagap ng air pollution. kabilang sa mga sintomas ng sakit sa puso ay ang kapos sa paghinga, pakiramdam ng madalas na pagkapagod o fatigue, pamamanas ng paa, palpitations, mabigat na pakiramdam sa dibdib at chest pains.
Sa natural na paraan ng paggagamutan ay pinapayuhan ni DR.E ang mga taong nag-ehersisyo o napagod dahil sa pagtakbo o paglalakad na iwasan ang kaagad na pag-inom ng anumang malamig o may yelo para sa wastong pangangalaga ng puso. Sa halip ay itinuturo ni DR.E na mainit-init ang dapat na inumin kapag pagod upang maiwasan ang pamamaga ng muscles ng puso.
Ipinapayo rin ni DR.E na iwasan ang madalas na pagkagalit at madalas na pagdaramdam o sama ng loob upang mapanatiling nasa normal ang tibok ng puso. Ipinaliwanag ni DR.E na sa naturopathy ay maaring malaman ang ilang palatandaan kung may nagiging problema na sa puso ng isang tao.
Tinutukoy ni DR.E ang maaring maranasang pa-putol-putol na pagtulog o hirap na pagbuo ng tulog bilang isa sa mga palatandaan ng problemadong puso. Maari pa diumano itong sabayan ng pagiging mapili sa gamit ng unan kung saan maaring ang gusto ng pasyente ay mataas o patong-patong na unan o di kaya ay ayaw nang gumamit nito ng unan.
Ang pagkakaroon ng kulay na violet sa mga kuko at dila ng pasyente ayon pa rin kay DR.E ay maaring palatandaan na ng problema sa puso. Ipinaliwanag pa ni DR.E na simula sa murang gulang pa lamang ay mahalagang napapangalagaan na ang puso ng isang tao. Dahilan dito kung kaya’t tinatawagan ni DR.E ang pansin ng mga ina na iwasan ang breastfeeding sa panahon na sila ay pagod upang hindi maapektuhan ang puso ng sanggol.
Mapapansin din umano ang problema sa puso ng sanggol kung ang pupil ng mata nito ay dilated o tila umaangat at kung nagiging bluish ang bata sa panahon na ito ay umiiyak.
Samantala, para sa mga ina na nagdadalantao, ipinapayo ni DR.E na siguruhing mataas ang kanilang immune system para tiyak na malusog ang isisilang na sanggol. Gayundin ayon kay DR.E ay dapat na laging positibo ang isip ng mga nanay na buntis at umiwas sa mga sama ng loob at hinanakit upang ang magiging anak ay magkaroon ng malusog na puso.
Off