Karaniwan nang inuugnay sa pagtanda ang paghina ng memorya o isipan. subalit may mga pagkakataon rin na maging ang mga mas nakababata ay may mga episodes o pagsumpong ng memory loss.
Maging ito man ay paminsan-minsang pagkalimot o umabot na sa madalas na paulit-ulit na memory lapses, tiyak na ito ay makakaapekto sa pang araw-araw na buhay.
Sinasabi sa mga pag-aaral na hindi nasusukat sa laki ng utak ng isang tao ang lawak ng kanyang memorya.
Sa katunayan ang utak ng isang kilalang philisopher na si albert einstein ay may timbang na 43 ounces na kulang ng 5 ounces kumpara sa karaniwang tao.
May higit limampung kondisyon na maaaring pagmulan ng karamdaman sa isip. kabilang na ang kakulangan sa vit.b12 at alzheimer’s disease na dulot ng mabilis na paghina ng brain cells ng isang tao, dahilan kung bakit hindi na nakakakilala ang pasyente tulad ng sintomas na nakikita sa mga taong may parkinsons diesease.
May mga pagkakataon rin na apektado ang memorya dahil sa stroke, head injury, brain infections at brain tumors maging benign man o malignant ito, kapag tumubo sa frontal lobe o temporal lobe ng utak ng pasyente.
Maging ang depresyon at alcoholism ay maaring pagmulan ng memory loss.
Marami ring kaso ng epekto sa isipan na dulot ng pag-inom ng maraming gamot sa mahabang panahon.
Ilan sa mga gamot na maaring magdulot ng memory loss bunga ng matagalang pag-inom ay ang:
- Anti-depressant drugs
- Anti->parkinsons drugs
- Anti-anxiety medications
- Cardiovascular drugs
- Corticosteriods
- Narcotics o illegal drugs
- Sedatives o tranquilizers
- At ang antihistamines na iginagamot para sa allergic reactions.
Dahilan sa mga nabanggit, mahalagang alamin ang pinagmulan ng problema sa isipan upang maihanap ng tugmang solusyon ang karamdaman.
Off