Sa normal na paghinga ng isang tao ay sumasagap ng oxygen ang mga maliliit na pagitan sa baga na tinatawag na alveoli o air sacs.
Sa ganitong paraan ay inilalabas rin ng baga ang carbon dioxide.
Sa kaso ng pasyenteng nakakaranas ng pagkakaroon ng tubig sa baga o ang tinatawag na pulmonary edema, sa halip na oxygen, ay tubig ang nakokolekta ng alvioli.
Dahilan dito kung kaya’t nahihirapang huminga ang pasyente na kapag napabayaan ay maaring mauwi sa respiratory failure.
Sa ganitong kondisyon ay hindi nasusuplayan ng oxygen ang blood stream o daloy ng dugo at hindi lubusang nailalabas ng katawan ang carbon dioxide.
Bukod sa kakapusan sa paghingang nararanasan ng pasyenteng may tubig sa baga… maari pa ring makaranas ng sintomas tulad ng:
- madalas na paggising sa gabi para umihi.. O ang kondisyong tinatawag na nocturia.
- pamamanas ng mga binti o paa.
- hindi mapagkatulog sa gabi dahil sa discomfort dulot ng pulmonary edema.
- mabigat na pakiramdam sa likod na may kasabay na pananakit.
ipinaliwanag ni dr.E kaugnay nito na kapag hindi nalunasan ang nasabing karamdaman ay maaring ma-comatose ang pasyente at humantong sa kamatayan dahilan sa hypoxia o oxygen deprivation.
Sa natural na paraan ng gamutan, the healing galing way ay ipinapayo ni dr.E ang paglalagay ng healing tapal cream sa dibdib at likod ng pasyenteng nakakaranas ng tubig sa baga.
Ipinaliwanag ni dr.E na nagagawang mag absorb ng healing tapal cream ang naimbak na tubig sa baga ng pasyente sa regular na pagtatapal nito.
Off