• hotline number
    • EPISODE 5: STRESS Posted February 20, 2016

      Off

      EPISODE 5: STRESS
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      Ang stress o mental tension ay hindi itinuturing na karamadaman. Samantalang may mga pag-aaral na tumutukoy sa stress bilang deadliest silent killer na nakakahawa.

      Napag alaman sa mga pag-aaral na ang labis na stress sa isipan ay humahantong sa high blood pressure at mental illness o sakit sa isip tulad ng depresyon, migrain, epileptic seizures at maging ng stroke.

      Sinasabing nakakahawa ang stress kung ang taong nakakaranas nito ay may mga taong kasamang sa kanilang paligid na maaring madamay dahil sa epekto ng stress mula sa nag-iisang tao lamang.

      May mga biktima rin ng stress na mas minabuting mag-suicide dahil sa hindi makayanang epekto ng stress sa kanyang buhay.

      Maging ang anumang bansa sa mundo ay maaring maapektuhan ng namumuong stress o tensyon sa kanilang pamayanan na humahantong sa rebelyon hanggang mamuo ang giyera o malawakang kaguluhan sa mundo o worldwide violence.

      Sa kabilang banda, kahit na nagdudulot ng malawak na perwisyo ang stress ay maari itong maagap ng malunasan sa paraang halos walang gastos.

      Makakabuting alamin kung ano ang sanhi ng stress na nararanasan at matapos na matukoy ay aksyunan ito.

      Isang halimbawa ng nakakakunsuming stress sa mga taga metro manila ay ang problema sa trapiko.

      Kung hindi pa natin ito mapipigal, diskarteng pinoy ang kailangan. sa tagal ng ating inilalagi sa lansangan bakit hindi isingit habang nasa daan ang mga gawain madalas nating napapabayaan?

      Si mister baka mahaba na ang balbas, dapat bitbit ang pang-ahit kesa nakatunganga sa traffic.

      Kung may sariling sasakyan pwedeng gawing libangan ang panunuod sa dvd o libangin ang sarili sa mga paboritong programa sa radyo.

      Kung sa loob ng bahay ramdam ang stress maaring pinturahan ng kulay pink ang bahay.

      Isang pag-aaral ang tumutukoy sa kulay na pink na maaring mag hatid ng maganda at mas positibong mood sa mga tao.

      Iwasang mangibabaw ang inis para hindi ma-stress!