Ang sinusitis ay ang pamamaga ng espasyo ng bungo o skull na konektado sa nostril o sa opening ng ilong.
Ang pagtubo ng fluid o mucus na bumabara sa sinuses ay inuugnay sa pagkakaroon ng karaniwang sipono allergic rhinitis, kasama na ang pagtubo ng nasal polyps at ang tinatawag na deviated septum o ang lihis na pagtubo ng nasal cavity.
May tinatawag na acute sinusitis. ang biglaang pagsumpong ng tila atake ng sipon kung saan nakakaranas ang pasyente ng pagtulo ng sipon, pagababara ng ilong at pananakit ng ilang bahagi ng mukha na tinatawag na sinus points. ito ay tumatagal ng hanggang apat na linggong nararanasan ng pasyente.
Meron ding subacute sinusitis kung saan tumatagal ang pamamaga ng affected area sa ilong hanggang 8 linggo.
Ang chronic sinusitis naman ay uri ng sinus inflamation na tumatagal ng mahigit sa 8 linggo at ang tinatawag na recurrent sinusitis ay ang kundisyon na nakakaranas ang pasyente ng paulit-ulit na pagsumpong sa loob ng isang taon.
Kapag hindi naagapan ang kundisyong ito ay maaring humantong sa kawalan ng pang-amoy ang pasyente, nagiging nasal ang dating pagsasalita o tila ngongo ang tunog at nararanasan ang pagkakaroon ng mabahong hininga.
Ang operasyon ay isa sa mga paraan para malunasan ang kundisyong ito sa modernong gamutan sa ospital.
Samantala, sa natural na paraan ng pag-gamutan na ipinalalganap ng healing galing ay nalulunasan ng “nasal steaming procedure” ang iba’t-ibang uri ng sinusitis condition na nabanggit.
Kinakailangan lamang ang mga sumusunod para sa natural na operasyon.
- 1 Basong pinakulong tubig
- Embudong pantakip sa baso
- 2 kutsarang suka
- Healing Galing oil
-
Ihalo lamang ang 2 kutsarang suka sa 1 basong pinakuluang tubig at itakip ang malinis na embudo.
Maari itong gawin ng araw-araw, isa hanggang tatlong beses ayon sa kagustuhan ng pasyente.
Mapapansin ang paglabas ng mucus mula sa bibig o sa ilong habang isinasagawa ang “nasal steaming procedure” kasabay ng pagginhawa ng pakiramdam ng pasyente.
Kaugnay ng kundisyong ito ay ipinapayo ni DR.E ang pulidong pagpapatuyo ng buhok pagkaligo gamit ang tuwalya o hair dryer upang makaiwas sa sinusitis condition.
Makabubuti umanong iwasan ang labis na pagkain at pag inom ng malalamig at maasim, gayundin ang pagpapahamog at pananatili sa mga malalamig na lugar.
Bukod sa mga nabanggit, ipinapaalala ni DR.E ang tulong ng sikat ng araw sa mga pasyenteng sipunin, may allergic rhinitis at may sinusitis.
Binibigyang diin ni DR.E ang bisa sa kalusugan ng sikat ng araw sa pagitan ng alas sais hanggang ika-walo ng umaga. itatapat lamang ang likurang bahagi ng katwan sa loob ng 20 hanggang 30 minuto hanggang sa makaramdam ng init at pawisan ang pasyente.
Off