pinapayuhan ni dr.E ang mga pasyenteng may diabetes na maging matalas ang pakiramdam sa mga side effects na maaring idulot ng kanilang karamdamang ito.
Sinabi ni dr.E na ang patuloy na pagtaas ng sugar level sa dugo ng mga diabetiko ay karaniwan ng nagiging dahilan ng kondisyon sa mata na tinatawag na diabetic retinopathy.
Ipinaliwanag ni dr.E na ang diabetic eye disease na ito ay unti-unti o mabagal na nararanasan kaya halos hindi kaagad napapansin ng pasyente.
Gayunman, kung tuluyang mapabayaan ay maari itong lumubha at mauwi sa tuluyang pagkabulag ng pasyente dulot ng pagdurugo o hemorrhage sa retina ng apektadong mata.
Tinukoy ni dr.E ang kahalagahan ng retina bilang sensitibong tissue sa likurang bahagi ng mata na responsable sa pagsagap ng images at naghahatid ng signal sa utak sa tulong ng optic nerve para maunawaan ng tao ang hugis na kanyang nakikita.
Kaugnay ng pangangalaga ng mata ng mga diabetic patients ay ipinapaalala ni dr.E ang suporta galing sa mga pagkaing mayaman sa vit. A na maaring ikonsumo ng dalawa o tatlong beses sa isang linggo.
Sinabi pa ni dr. E na kailangan din ng wastong pahinga ng mga mata mula sa 8-oras na pagtulog sa gabi at ang pahinga sa pagitan ng mahabang pagbabasa o pagtutok sa computer.
Samantala para naman maiwasan ang patuloy na pagtaas ng asukal sa dugo ng pasyente ay binigyang diin ni dr.E na limitahan lamang sa low carbohydrate diet at pag-iwas sa lubhang matatamis ang pang araw-araw na pagkain, ang mga diabetiko.
At malaking tulong ayon pa kay dr.E ang pag-inom ng pasyente ng isa hanggang dalawang basong tubig oras oras para sa proper hydration.
Off