• hotline number
    • EPISODE 7: PARASITES Posted June 28, 2016

      Off

      EPISODE 7: PARASITES
      Share on Facebook0Tweet about this on Twitter0Share on Google+0

      Parasites:

      Ang mga bulate ay kabilang sa iba’t-ibang uri ng parasite na matatagpuan sa mga bansang tropikal tulad ng pilipinas.

      At ang pagkakaroon ng roundworms ang pinaka pangkaraniwang nararanasan ng mga tao sa mga tropikal countries kapwa ng mga bata at matanda.

      Ang mga ito ay may mahabang bilugang katawan mula sa ilang millimeters at lumalaki hanggang dalawang (2) metro ang haba.

      Sinasabi sa mga pag-aaral na may 60 species ng roundworm ang maaring maging parasite sa loob ng katawan ng tao na karaniwang namamahay sa intestine at maaring lumipat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng biktima.

      Nangyayari ito kapag ginamit sa pagkain ang kamay na hindi malinis at mula sa bibig ay namamalagi sa loob ng katawan ng tao ang parasite.

      Maaring dumaan at makapasok sa internal organs ng biktima ang parasite sa butas ng balat, lalo na sa mga paa kapag nakayapak na lumalakad sa lupa na may parasite imfestation galing sa mga dumi ng hayop.

      Kaugnay nito ay ipinapayo ni dr. e ang paglilinis na mabuti ng kamay bago kumain at maging ang lahat ng mga gamit sa pagluluto at pagkain ay dapat na mapanatiling malinis.

      Gayundin ay binigyang diin ni dr. e na dapat iwasan ang pagkain ng anumang hilaw na maaring pagmulan ng parasite sa katawan, mula sa hilaw na bigas hanggang sa hilaw na karne ng hayop at isda ipinaliwanag p ni dr.e na dapat ay siguruhing malinis ang mga hilaw na gulay na kinakain bilang salad dahil ang mga dahon ay maaring pamahayan ng mga itlog ng suso at iba pang kumakapit na insekto sa mga dahon na nagtatagalay ng parasite.

      Nagbigay rin ng babala si dr. e sa mga taong mahilig kumain ng laman loob o bituka ng isda.

      Sinabi ni dr. e na kahit na lutuin ang isda ay maaring manatiling buhay ang mga parasite nitong taglay sa bituka at maisasalin sa sinumang kumain nito ang parasite.

      Dahilan dito kayat paalala ni dr.e na alisin ang hasang at bituka ng isda bago lutuin at huwag itong kakainin.