
WELLNESS RECIPES ni Chef Tristan Encarnacion
Para sa ating Healing Sangkap, isang walastik na recipe ang gagawin natin na natural na mayaman sa iron at very hydrating, pampa-healthy ng dugo at pantanggal ng pananakit sa joints! Ito’y tinatawag natin na LASWA-lastik base sa Ilonggo dish na LASWA na pinakukuluan ang mga sangkap!
Para sa mga sangkap, bida syempre ang ating iron-rich na mga gulay – sitaw, spinach at ang paborito nating malunggay. At imbes na hibe, sardinas ang gagamitin nating pansahog para mas mayaman sa nutrients!
RECIPE: Laswa-lastik
Ingredients:
- 1cup sitaw, 2inches long
- A handful or two Spinach
- 1/2cup Malunggay
- 1cup Sardines
- 1/4cup Onions, sliced
- 3-4 cloves Garlic, crushed
- Seaweed salt as needed
- Ground black pepper to taste
- Vegetable broth as needed
- 1cup Lato, fresh
Pagsamahin lahat sa isang kaldero ang mga rekado puwera ang lato at pakuluan hanggang sa maluto. Ihain na may lato na kasama.
Ang Laswa-lastik ay nagkakahalaga lang ng 11 pesos lang per serving o mga 70 pesos para sa isang pamilya! Laswalastik diba?
Off